Nick Carter sa pagpanaw ng kapatid na si Aaron; "My heart is broken"
- Naglabas na ng pahayag si Nick Carter ukol sa pagkamatay ng kapatid niyang si Aaron Carter
- Aniya, sa kabila ng mga nangyari sa kanila'y hindi naman nawala ang pagmamahal niya sa nakababatang kapatid
- Umasa rin umano si Nick na sana'y nakabalik sa maayos na pamumuhay ang kapatid ngunit nasabi nitong "Addiction and mental illness is the real villain here"
- Pumanaw ang dating Pop singer at naging rapper na si Aaron Carter sa edad na 34
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Matapos ang ilang oras buhat nang makumpirma ang pagpanaw ni Aaron Carter, naglabas ng saloobin ang kanyang nakatatandang kapatid na si Nick Carter.
Si Nick ay miyembro ng popular na boyband ng 90's na Backstreet Boys at nakakasama nila noon si Aaron sa mga shows gayung isa na itong Pop singer sa edad na 9.
"My heart is broken. Even though my brother and I have had a complicated relationship, my love for him has never ever faded," panimula ni Nick.
Matatandaang kasing minsan nang nag-file ng restraining order si Nick laban sa kapatid na si Aaron. Ayon sa The Guardian, dahil umano ito sa banta sa buhay ng kanyang misis na noo'y nagdadalang-tao pa naman.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Gayunpaman, umasa pa rin si Nick na makapagbabago pa ang kapatid at makatatalikod ito nang tuluyan sa buhay na nabalot 'di umano ng adiksyon.
"I have always held on to the hope that he would somehow, someday want to walk a healthy path and eventually find the help that he so desperately needed. Sometimes we want to blame someone or something for a loss, but the truth is that addiction and mental illness is the real villain here."
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag.
Si Aaron Carter ang nakababatang kapatid ni Nick Carter ng popular na singing group na Backstreet Boys.
Matatandaang si Aaron ang nagpasikat ng mga kantang 'Crazy Little Party Girl', 'Crush on you', 'I'm Gonna Miss you forever' at 'I'm all about you'
Subalit kalaunan, naging isang rapper na si Aaron taliwas sa buhay niya na pagiging Popstar noong 90's.
Sa Pilipinas, nagluluksa rin ang music industry sa pagpanaw ng isa sa mga haligi ng Original Pilipino Music na si Danny Javier. Si Danny ay bahagi ng grupong APO Hiking Society. Bago siya tuluyang mamaalam, nakagawa pa umano ng awitin si Danny na siya mismo ang nagsulat at kumanta. May pamagat itong 'Lahat Tayo' na patungkol umano sa kahihinatnang kamatayan ng bawat tao sa mundo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh