Dating Pop Singer na si Aaron Carter, pumanaw na sa edad na 34
US

Dating Pop Singer na si Aaron Carter, pumanaw na sa edad na 34

- Pumanaw na ang si Aaron Carter ang kapatid ng Backstreet Boys member na si Nick Carter

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Sinasabing natagpuan si Aaron na wala nang buhay sa sarili niyang tahanan

- Sa inisyal na imbestigasyon, wala umanong nakitang foul play sa pagkamatay ng dating Pop singer

- Si Aaron ay sumikat noong 90's sa edad na siyam, kasama ang nakatatandaang kapatid na si Nick

Natagpuang wala nang buhay ang 34-anyos na dating Pop singer na ngayo'y isa nang rapper na si Aaron Carter.

Dating Pop Singer na si Aaron Carter, pumanaw na sa edad na 34
Aaron Carter (@aaroncarter)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nalaman ng KAMI na gumulantang ang balitang ito sa publiko matapos na makatanggap ng tawag ang 911 at sinasabing may may lalaking nalunod umano sa kanyang bath tub bandang alas onse ng umaga sa kanya mismong tahanan sa Lancaster, California. At ang lalaking ito ay si Aaron.

Read also

Isabelle sa pagpapalaki ng inang si Gloria Diaz; "Never naming na-feel na sobrang yaman kami"

Ayon sa TMZ ,nagpadala pa umano ng mga hômicide detectives sa tahanan ni Aaron subalit wala namang nakitang foul play sa pagkamatay ng singer.

Sa ulat naman ng The Hollywood Reporter sinabing patuloy pa rin ang pag-iimbestiga sa biglaang pagpanaw ng singer/rapper.

Sa ibinigay na pahayag ng kinatawan ng panig ni Aaron, sa BBC, sinabi nitong maging sila ay nagulat sa sinapit ng singer/rapper at maging sila ay nagnanais na malaman ang naging sanhi ng pagkamatay nito.

Samantala, isang araw bago siya pumanaw ay nakapag-post pa ito sa kanyang Instagram.

Si Aaron Carter ang nakababatang kapatid ni Nick Carter ng popular na singing group na Baxkstreet Boys.

Matatandaang si Aaron ang nagpasikat ng mga kantang 'Crazy Little Party Girl', 'Crush on you', 'I'm Gonna Miss you forever' at 'I'm all about you'

Subalit kalaunan, naging isang rapper na si Aaron taliwas sa buhay niya na pagiging Popstar noong 90's.

Read also

RR Enriquez sa nabuhay na isyu ni Sarah G sa kanyang mga magulang; "Ang tagal na nito"

Sa Pilipinas, nagluluksa rin ang music industry sa pagpanaw ng isa sa mga haligi ng Original Pilipino Music na si Danny Javier. Si Danny ay bahagi ng grupong APO Hiking Society. Bago siya tuluyang mamaalam, nakagawa pa umano ng awitin si Danny na siya mismo ang nagsulat at kumanta. May pamagat itong 'Lahat Tayo' na patungkol umano sa kahihinatnang kamatayan ng bawat tao sa mundo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica