Danny Javier, nakasulat at nakapag-record pa ng awitin tungkol sa pagpanaw bago tuluyang mamaalam

Danny Javier, nakasulat at nakapag-record pa ng awitin tungkol sa pagpanaw bago tuluyang mamaalam

- Nakasulat pa ng kanta tungkol sa pagpanaw ang APO Hiking Society member na si Danny Javier

- Ibinahagi ito ng music producer na si Lorrie Ilustre na siyang nag-ayos ng kabuuan ng awitin

- Nabigyan pa ng pagkakataon si Lorrie na maiparinig kay Danny ang kabuuan ng awitin bago ito tuluyang mamaalam

- Hindi man daw ito nakapagsalita, ang simpleng pagtango nito bilang pagsang-ayon sa kanyang pinakahuling ambag sa mundo ng musika ay sapat na

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakasulat at nakapag-record pa ng huli niyang awitin ang isa sa miyembro ng APO Hiking Society na si Danny Javier.

Danny Javier, nakasulat at nakapag-record pa ng awitin tungkol sa pagpanaw bago tuluyang mamaalam
Photo: Danny Javier
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na bago pa man siya pumanaw nito lamang Oktubre 31, nakagawa pa ito ng obra na tila pahiwatig sa kanyang kamatayan.

Isang araw mula ang kanyang pagpanaw, ibinahagi ng music producer na si Lorrie Ilustre ang kabuuan ng awiting si Danny rin mismo ang umawit at nag-record.

Read also

Andrew Schimmer, nag-update sa ika isang taon ng pagkaka-ospital ng misis

May pamagat ito na 'Lahat Tayo' na may linya na "lahat tayo mamamatay."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"I know Danny's writing style and ideas so I just had to make this music arrangement for him to bring along to his journey home. I took his vocals from his FB post and recorded. His video I synced to audio. I just tweaked a note and rearranged the song structure but I kept everything the way he would have wanted it," pagbabahagi ni Lorrie.

At nang malapatan na niya ng musika, nabigyan pa si Lorrie ng pagkakataong maiparinig ito kay Danny.

"Through family, I was able to get the recording with his original vocals to his hospital bed. The nurse played the music to Danny and he would nod to acknowledge that it was ok. That's good enough for me"

Read also

Lolit Solis, dahil sa panahon: "parang melancholic din feeling ko"

Sa ngayon, mapapanood at mapakikinggan ang 'Lahat Tayo' sa YouTube.

"Danny...my friend, my brother, wanted his sendoff to be happy so let us celebrate his life. Bring out those “Iba Ang May Pinagsamahan SMBs”, the pulutan, and let's party!! Share his music, and let us make this Danny's last big hit song!" ani Lorrie.

Si Danny Javier ay bahagi ng singing trio na APO Hiking Society. Kasama niya sina Buboy Garrovillo at Jim Paredes at sila'y maituturing na isa sa mga haligi ng Musikang Pilipino.

Noong Oktubre 31, kinumpirma ng kanyang anak na si Justine Javier Long na pumanaw na si Danny sa edad na 75.

"Complications due to his prolonged illnesses" ang nabanggit nitong sanhi ng pagkamatay ng kanyang ama.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica