Andrew Schimmer, nag-update sa ika isang taon ng pagkaka-ospital ng misis

Andrew Schimmer, nag-update sa ika isang taon ng pagkaka-ospital ng misis

- Muling nagbigay ng update si Andrew Schimmer sa kalagayan ng kanyang misis na si Jho Rovero

- Aniya isang taon na umano ang nakararan buhat nang ito ay bigla na lamang ma-ospital

- Matatandaang noong Oktubre 10 ay naiuwi na sana sa kanilang tahanan si Jho subalit ilang araw lang ay kinailangan muli itong ibalik sa ospital

- Ayon kay Andrew, comatose ang kanyang misis na kamakailan ay kinakitaan ng bleeding at swelling sa utak mula sa isinagawang MRI

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Eksaktong isang taon ang nakalipas mula nang ma-ospital si Jorhomy Rovero, nagbigay ng update ang kanyang mister na si Andrew Schimmer.

Andrew Schimmer sa isang taong laban ng misis sa sakit: "'di po nagigi-give up ang kanyang puso"
Andrew Schimmer at misis na si Jho Rovero (The Schimmers)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na inaalala ni Andrew ang naganap noong nakaraang taon na hindi nila akalain tatagal at magpasa-hanggang ngayon ay hindi pa rin maayos ang lagay ng kanyang misis.

Read also

Andrew Schimmer, lumuluha na nag-update; "Yesterday was one of the hardest fight of her life"

"Good morning po mga kapatid, today is October 31, later after midnight November 1 ka isang taon po ng atake ng aking asawa ng 3am…GUYS PLEASE HELP ME PRAY FOR HER...Nawa’y bigyan po sha ng ating panginoon ng lakas para malampasan nya po ang mga pagsubok na ibbgay po sa kanyang katawan at spirit ngayong all soul’s day po," bungad ni Andrew.

Ibinahagi rin niyang comatose ang misis ngunit patuloy pa rin ang paglaban ng katawan at puso nito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Right now she is still under the state of comatose, Hindi po humihinto sa pakikipaglaban ang kanyang katawan at kaluluwa,at hndi po nag gi-give up ang kanyang puso," emosyonal na ibinahagi ni Andrew.

Dahil dito, hiling niya ang patuloy na dasal para sa misis na patuloy din niyang ipinaglalaban.

Read also

Luis Manzano, todo puri si Herlene Budol; "Napaka-professional ng taong 'to"

"Kaya ako po ay hihingi ulit ng inyo pong mahalagang oras, sabayan nyo po kaming manalangin,iparinig po natin sa buong langit ang laman po ng ating mga puso and let our voices echo in their hearts... Ipagdasal at ipaglaban po natin ang ating mga mahal sa buhay," aniya.

Narito ang kabuuan ng kanyang post.

Si Andrew Schimmer ay isang aktor sa bansa na gumawa ng ingay kamakailan sa social media nang lakas-loob na humingi ng saklolo para sa pagpapagamot sa misis na nagkaroon ng asthma attack na agad namang sinundan ng brain hypoxia.

Kamakailan, ibinalik ang kanyang misis sa ospital na noon sana'y mananatili nalamang sa kanilang tahanan upang doon magpagaling. Nilagnat at nagsuka umano ito dahil sa pagtaas ng sodium level nito sa katawan.

Sa ospital, kinailangan i-dialysis nito dahil sa pagbaba ng sodium level, potassium ng katawan niya ang tumaas. Matapos ang dialysis ay bahagyang bumuti ang lagay ni Jho hanggang sa ibinigay na nga ni Andrew ang tungkol sa nakita naman nila sa MRI nito kamakailan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel