Andrew Schimmer, lumuluha na nag-update; "Yesterday was one of the hardest fight of her life"

Andrew Schimmer, lumuluha na nag-update; "Yesterday was one of the hardest fight of her life"

- Nagbigay ng update si Andrew Schimmer patungkol sa lagay ng misis niyang si Jho Rovero

- Aniya, muli itong lumalaban ng matindi para sa kanyang buhay matapos na may makita sa kanyang MRI

- Hindi napigilang maiyak ni Andrew habang humihiling ng dasal para sa kanyang misis

- Nilarawan niya na 'hardest fight of her life' ang nangyari sa misis niya kamakailan lamang

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa update ni Andrew Schimmer ngayong Oktubre 29, hindi nito napigilang maluha habang humihingi rin ng dasal para sa pagbuti ng lagay ng misis na si Jorhomy 'Jho' Rovero.

Andrew Schimmer, umiiyak na nag-update; "Yesterday was one of the hardest fight of her life"
Jho Rovero (The Schimmers)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na may nakita umanong 'bleeding and swelling' sa utak ni Jho base sa huli nitong MRI.

"Actually, medyo malungkot lang. Nag-MRI test tayo kahapon and then doon sa kanyang MRI, nakita natin na may bagong swelling and bleeding na nangyayari sa brain niya," panimula ni Andrew sa update sa kanyang misis.

"Tapos kahapon during the MRI test, nag-arrest na naman siya. Nagkaroon siya ng second arrest kahapon. So hihingi po sana ako ng tulong sa inyo. Guys, help me pray. Kasi sa mga panahong ito, lumalaban talaga siya. Lumalaban po ulit siya ng sobrang grabe.Kaya kagabi pa po kami nagdadasal para sa kanya," dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nilarawan niyang 'hardest fight of her life' ang nangyari na ito sa kanyang misis kamakailan at kitangkita niya raw kung paano ito lumalaban sa kanyang karamdaman.

"Right now, she really needs a lot of prayers. She is really fighting for her life. Lumalaban po talaga siya. Galing lang po ako sa kanya kaninang madaling araw... And yesterday was one of the hardest fight of her life and she is trying to win it"

Bukod dito, walang humpay pa rin ang pasasalamat niya sa mga taong patuloy na sumusuporta at nagdarasal para sa kanyang misis at sa kanilang pamilya.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Si Andrew Schimmer ay isang aktor sa bansa na naging matunog ang pangalan mula nang lakas-loob na humingi ng saklolo para sa pagpapagamot sa misis na nagkaroon ng asthma attack na sinundan ng brain hypoxia.

Kamakailan, ibinalik ang kanyang misis sa ospital na noon sana'y mananatili nalamang sa kanilang tahanan upang doon magpagaling. Nilagnat at nagsuka umano ito dahil sa pagtaas ng sodium level nito sa katawan.

Sa ospital, kinailangan i-dialysis nito dahil sa pagbaba ng sodium level, potassium ng katawan niya ang tumaas. Matapos ang dialysis ay bahagyang bumuti ang lagay ni Jho hanggang sa ibinigay na nga ni Andrew ang tungkol sa nakita naman nila sa MRI nito kamakailan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel