Andrew Schimmer, nagpsalamat sa mga doctor at nurse sa matagumpay na dialysis ng misis

Andrew Schimmer, nagpsalamat sa mga doctor at nurse sa matagumpay na dialysis ng misis

- Nagpasalamat si Andrew Schimmer sa mga mahuhusay na doctor at nurse na nag-aalaga sa kanyang misis sa ICU

- Matatandaang ibinalik ang misis sa ospital ilang araw lamang mula nang ito ay maiuwi nila sa kanilang tahanan

- Ngayon, matapos ang isinagawa rito na dialysis ay bumubuti na raw umano ang lagay ng misis

- Ito ay dahil umano sa tila 'magic' na husay ng mga tumitingin sa misis lalo na sa dialysis procedure na napagtagumpayan nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Taos-pusong nagpasalamat si Andrew Schimmer sa mgamahuhusay na doctor at nurse sa ICU ng St. Luke's Hospital kung saan ibinalik ang kanyang misis na si Jho Rovero.

Andrew Schimmer, nagpsalamat sa mga doctor at nurse sa matagumpay na dialysis ng misis
Andrew Schimmer at si Jho Rovero (The Schimmers)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI labis na humahanga si Andrew sa galing ng mga medical professionals na ito na siyang naging dahilan ng pagbuti ng lagay ng kanyang misis.

Read also

Andrew Schimmer, ipinakita ang improvement sa misis: "Ang ganda ng dilat ng mga mata niya"

"Bumababa na 'yung sodium level, actually malaki na 'yung ibinaba. Magaling yung sobrang husay ng mga attending doctors kahit yung mga nurses dito sa ICU sa 3rd floor. Very good and very very effective. Talagang para akong nabunutan ng tinik sa dibdib," ani Andrew sa unang video update niya mula nang muling malagak sa ospital ang kanyang misis.

"Kung mare-record ko lang lahat ng nangyare, bibilib kayo guys parang magic," paglalarawan oa ni Andrew sa kung paano maalagaan si Jho sa ICU.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Pinasalamatan din niya ang mga patuloy na sumusuporta at nagdarasal sa kanila para sa tuloy-tuloy na paggaling ng kanyang misis.

Narito ang kabuuan ng kanyang update mula sa YouTube channel nilang The Schimmers:

Si Andrew Schimmer ay isang aktor sa bansa na naging matunog ang pangalan mula nang lakas-loob na humingi ng saklolo para sa pagpapagamot sa misis na nagkaroon ng asthma attack na sinundan ng brain hypoxia.

Read also

Andrew Schimmer, masayang makita ang misis na gising at nagre-response sa kanya

Sa Ogie Diaz inspires channel mapapanood ang nakakaantig pusong interview ni Ogie kay Andrew Schimmer. Pumalo ito ng nasa mahigit 2 million views ang naturang panayam sa loob lamang ng dalawang araw buhat nang ito'y maisa-ere. Sa pamamagitan din ng panayam na ito, mas lalong naunawaan ng publiko ang pinagdadaanan ng pamilya Schimmer.

Dahil sa marami ang nakapanood ng interview ni Ogie Diaz kay Andrew, dumagsa ang mga nais pang tumulong sa pamilya ng aktor lalong-lalo na para sa gamutan ni Jho.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel