Andrew Schimmer, ipinakita ang improvement sa misis: "Ang ganda ng dilat ng mga mata niya"

Andrew Schimmer, ipinakita ang improvement sa misis: "Ang ganda ng dilat ng mga mata niya"

- Muling nagbigay ng update si Andrew Schimmer tungkol sa misis niyang si Jho

- Labis siyang humahanga sa proseso ng gamutan sa asawa na nilarawan pa niyang parang 'magic'

- Ipinakita niya ang umano'y improvement sa misis matapos na ito sumailalim sa dialysis

- Naaktuhan pa niya itong gising at aniyang maganda ang dilat ng mga mata nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Oktubre 22, muling nagbahagi ng update si Andrew Schimmer ng mga kaganapan sa muling pagbabalik ospital ng kanyang misis na si Jho Rovero.

Nalaman ng KAMI na sumailim umano si Jho sa dialysis dahil sa pagtaas naman ng potassium level ng kanyang katawan matapos bumaba ng sodium nito.

Masaya si Andrew sa improvement ng lagay ng misis, "Ang ganda ng dilat ng mga mata niya."

"Nandito ako sa ICU ngayon. Actually sakto, kakagising niya lang. At the same time patapos na 'yung kanyang dialyzation."

Read also

Andrew Schimmer, masayang makita ang misis na gising at nagre-response sa kanya

"Nakita niyo, nagiging okay na siya ng dahan-dahan. I'm so very very happy. Thank you sa lahat ng mga nagdadasal para sa kanya. Maraming salamat mga kapatid," pasasalamat ni Andrew.

Aniya, napakahusay ng mga doctor at nurse na nag-aalaga sa kanyang asawa.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Kung mare-record ko lang lahat ng nangyare, bibilib kayo guys parang magic"

Sa kanyang update ng October 21, inanunsyo ni Andrew ang tungkol sa one-time dialysis ng kanyang misis.

Nakita nila umano ang pagbuti ng lagay nito kumpara nang maisugod muli nila ito sa ospital matapos na lagnatin at magsuka ilang araw mula nang maiuwi na nila ito sa kanilang tahanan.

Kaya naman labis ang pasasalamat ni Andrew sa lahat ng patuloy na sumusuporta at nagdarasal sa patuloy na paggaling ng misis niyang si Jho.

Narito ang kabuuan ng kanyang update.

Read also

Misis ni Andrew Schimmer, sumailalim sa one-time dialysis; "Giginhawa raw yung pakiramdam niya"

Si Andrew Schimmer ay isang aktor sa bansa. Ilan sa kanyang mga naging proyekto ay ang "Babangon Ako't Dudurugin Kita", "Gagamboy" at "Resiklo".

Sa Ogie Diaz inspires channel mapapanood ang nakakaantig pusong interview ni Ogie kay Andrew Schimmer. Pumalo ito ng nasa mahigit 2 million views ang naturang panayam sa loob lamang ng dalawang araw buhat nang ito'y maisa-ere. Sa pamamagitan din ng panayam na ito, mas lalong naunawaan ng publiko ang pinagdadaanan ng pamilya Schimmer.

Dahil sa marami ang nakapanood ng interview ni Ogie Diaz kay Andrew, dumagsa ang mga nais pang tumulong sa pamilya ng aktor lalong-lalo na para sa gamutan ni Jho.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel