Misis ni Andrew Schimmer, sumailalim sa one-time dialysis; "Giginhawa raw yung pakiramdam niya"

Misis ni Andrew Schimmer, sumailalim sa one-time dialysis; "Giginhawa raw yung pakiramdam niya"

- Isa sa mga ibinigay na update ni Andrew Schimmer sa lagay ng kanyang misis ay ang pagsailalim nito sa dialysis

- Matapos kasing bumaba ng sodium level niya, tumaas naman ang potassium level nito

- Ayon sa mahuhusay ng doktor na tumitingin umano kay Jho, giginahwa na ang pakiramdam nito matapos ang nasabing procedure

- Aminado naman si Andrew na tila nabunutan ng tinik sa dibdib dahil sa unti-unti nang naaalis sa kritikal na kondisyon ang kanyang misis

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa ibinigay na update ni Andrew Schimmer sa lagay ng kanyang misis na si Jho Rovero, sinabi rin nitong sumailalim ito sa one-time dialysis.

Nalaman ng KAMI na matapos nang bumaba ang sodium level ni Jho na siyang dahilan ng muli nitong pagkakalagak sa ospital, tumaas naman ang kanyang potassium level.

Read also

Andrew Schimmer sa lagay ng kanyang misis; "Everything is going smoothly"

"Ang hindi lang magandang balita is, habang bumababa yung kanyang sodium level, tumaas naman 'yung kanyang potassium," ani Andrew

"Itong one time na dialysis sa kanya para lang matulungan yung kanyang kidney i mean yung kanyang katawan na i-withdraw yung excess toxin lalong-lalo na 'yung potassium na nagpapabigat sa pakiramdam niya, yung nagpapahirap sa kanya," dagdag pa niya.

Habang nagbibigay siya ng update nito lamang Oktubre 21, kasalukuyang sumasailalim sa dialysis si Jho at naka-video call naman si Andrew para makita pa rin ang lagay ng misis.

Ayon din umano sa mga doktor ni Jho, giginhawa na ang pakiramdam nito matapos ang naturang procedure. Kaya naman hiling pa rin ni Andrew ang dasal para sa kanyang misis na patuloy na lumalaban sa kanyang karamdaman.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Narito ang kabuuan ng update ni Andrew mula sa YouTube channel nilang The Schimmers:

Read also

Mariel Padilla, pabirong sinabi na sakit niya ang sobrang pagkahilig sa bags

Si Andrew Schimmer ay isang aktor sa bansa. Ilan sa kanyang mga naging proyekto ay ang "Babangon Ako't Dudurugin Kita", "Gagamboy" at "Resiklo".

Sa Ogie Diaz inspires channel mapapanood ang nakakaantig pusong interview ni Ogie kay Andrew Schimmer. Pumalo ito ng nasa mahigit 2 million views ang naturang panayam sa loob lamang ng dalawang araw buhat nang ito'y maisa-ere. Sa pamamagitan din ng panayam na ito, mas lalong naunawaan ng publiko ang pinagdadaanan ng pamilya Schimmer.

Sa 'Showbiz Update' naman na channel ni Ogie Diaz, nabanggit nitong marami ang nais pang tumulong sa misis ni Andrew Schimmer na halos isang taon nang nasa ospital.

Dahil sa marami ang nakapanood ng interview ni Ogie Diaz kay Andrew, dumagsa ang mga nais pang tumulong sa pamilya ng aktor.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel