Mariel Padilla, pabirong sinabi na sakit niya ang sobrang pagkahilig sa bags

Mariel Padilla, pabirong sinabi na sakit niya ang sobrang pagkahilig sa bags

- Ayon kay Mariel Padilla, happy thoughts para sa kanya ang kanyang hilig sa mga bags

- Aniya, kinaya niya umanong tumigil na bumili ng mga bags at luxury items sa loob ng dalawang taon

- Ito ay noong bago pa lamang silang ikinasal ni Robin Padilla dahil ayaw umano ni Robin ng mga mamahaling gamit

- Gayunpaman, bumalik muli umano ang kanyang "sakit" ngunit ngayon ay nakahanap naman na siya ng paraan kung paanong hindi siya makakaramdam na nagkasala siya kapag bumibili siya ng bagong bag

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi kinaila ni Mariel Padilla na sobrang mahilig talaga siya sa bags. Sa kanyang bagong vlog, pabiro pa nitong sinabi na iyon daw ang sakit niya.

Mariel Padilla, pabirong sinabi na sakit niya ang sobrang pagkahilig sa bags
Mariel Padilla, pabirong sinabi na sakit niya ang sobrang pagkahilig sa bags (@marieltpadilla)
Source: Instagram

Kwento ni Mariel, sinubukan niyang tumigil sa pagbili sa mga mamahaling gamit nang kinasal sila ni Robin at kinaya niya umano nang dalawang taon. Ito ay sa kadahilanang ayaw umano talaga ni Robin ng mga luxury items. Mas gugustuhin na lamang umano nitong magbigay ng pagkain sa mga taong nangangailangan.

Read also

Mariel Padilla, nabingi matapos umano magkabutas ang eardrum

Gayunpaman, bumalik muli umano ang kanyang "sakit" ngunit ngayon ay nakahanap naman na siya ng paraan kung paanong hindi siya makakaramdam na nagkasala siya kapag bumibili siya ng bagong bag.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Mariel Rodriguez-Padilla ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India. Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Mayroon na silang dalawang anak, si Isabella at Gabriela.

Nagbahagi kamakailan ng picture si Mariel sa kanyang Instagram feed. Ito ay ang picture niya kasama ang kanyang dalawang anak na sina Isabella at Gabriela. Marami ang humanga at nakapansin sa kagandahan ng mag-iina kaya naman, marami ang nagkomento sa naturang post ni Mariel.

Nagbigay naman ng babala si Mariel kaugnay sa fake account na nagkukunwaring siya. Sa binahaging screenshot ni Mariel, makikita na ang tinututkoy niya fake accoutn ay may handle na @marieltpadilla_ - Dinagdagan lamang ng underscore ang dulo ng username kaya marami ang maaring maniwalang pagmamay-ari iyon ni Mariel. Makikita sa profile ng fake account na nang-eengganyo ito bilhin ang mga produktong tinitinda niya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel