Mariel Padilla, nabingi matapos umano magkabutas ang eardrum

Mariel Padilla, nabingi matapos umano magkabutas ang eardrum

- Naikwento ni Mariel Padilla na sa sobrang hilig niyang kalikutin ang tenga niya ay nagkaroon ng impeksiyon

- Nagkabutas umano ang kanyang eardrum kaya hindi siya masyadong nakakarinig

- Kaya naman, ani Mariel huwag iisiping suplada siya kapag hindi niya napapansin kapag tinatawag siya dahil hindi lang umano talaga niya naririnig

- Payo naman ng kapatid ni Vice Ganda na doktor, dapat umano ay ipasuri muna para malaman kung nasa PWD level na ang pagkabingi ni Mariel

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Mariel Padilla, nagkaroon ng impeksiyon ang tenga niya dahil sa sobrang hilig niyang magkalikot ng tenga niya noon. Nagkaroon ng butas ang kanyang eardrums ayon sa kanya kaya naman nabingi umano siya.

Mariel Padilla, nabingi matapos umano magkabutas ang eardrum
Mariel Padilla, nabingi matapos umano magkabutas ang eardrum (@marieltpadilla)
Source: Instagram

Paglilinaw pa ni Mariel, kung hindi siya namamansin, hindi dahil sa suplada siya kundi dahil hindi niya naririnig na tinatawag siya.

Payo naman ng kapatid ni Vice ganda na doktor, dapat muna umanong ipasuri ni Mariel ang tenga para malaman kung nasa PWD level ang pagkabingi niya.

Aniya kung sakaling nasa PWD level na siya ay tatanggapin niya pati na ang mga discount para sa mga PWD.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Mariel Rodriguez-Padilla ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India. Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Mayroon na silang dalawang anak, si Isabella at Gabriela.

Nagbahagi kamakailan ng picture si Mariel sa kanyang Instagram feed. Ito ay ang picture niya kasama ang kanyang dalawang anak na sina Isabella at Gabriela. Marami ang humanga at nakapansin sa kagandahan ng mag-iina kaya naman, marami ang nagkomento sa naturang post ni Mariel.

Nagbigay naman ng babala si Mariel kaugnay sa fake account na nagkukunwaring siya. Sa binahaging screenshot ni Mariel, makikita na ang tinututkoy niya fake accoutn ay may handle na @marieltpadilla_ - Dinagdagan lamang ng underscore ang dulo ng username kaya marami ang maaring maniwalang pagmamay-ari iyon ni Mariel. Makikita sa profile ng fake account na nang-eengganyo ito bilhin ang mga produktong tinitinda niya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel