Mariel Padilla, malapit na rin umanong ibenta ang mga dress niya

Mariel Padilla, malapit na rin umanong ibenta ang mga dress niya

- Ayon kay Mariel Padilla, marami siyang mga damit na hindi na siya naisusuot dahil hindi na magkasya sa kanya

- Malapit niya na rin daw iyong isali sa kanyang live selling kung hindi na bumalik ang dati niyang pangangatawan

- Aniya, noong nasa Wowowee pa lang siya ay naniniwala siyang hindi dapat siya mag-ulit ng damit

- Gayunpaman, ngayong isa na siyang ina ay naging praktikal na siya at nagsusuot na daw siya ng damit na dati na rin niyang nasuot

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Mariel Padilla na marami siyang damit na hindi na naisusuot dahil hindi na umano kasya sa kanya. Kaya naman, kung hindi na raw bumalik ang dati niyang pangangatawan ay isasali niya na rin ang mga iyon sa kanyang live selling.

Mariel Padilla, malapit na rin umanong ibenta ang mga dress niya
Mariel Padilla, malapit na rin umanong ibenta ang mga dress niya (@marieltpadilla)
Source: Instagram

Isang kwarto umano nila ay puno ng kanyang mga damit ngunit kakaunti lamang ang kasya sa kanya.

Read also

Mariel Padilla, nabingi matapos umano magkabutas ang eardrum

Nakwento niya rin na dati ay hindi talaga siya nagsusuot ng damit na nagamit niya na. Nang maging nanay na siya ay mas naging praktikal na siya at umuulit na umano siya ng damit.

Payo niya sa kanyang viewers ay huwag siyang gayahin.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Mariel Rodriguez-Padilla ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India. Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Mayroon na silang dalawang anak, si Isabella at Gabriela.

Nagbahagi kamakailan ng picture si Mariel sa kanyang Instagram feed. Ito ay ang picture niya kasama ang kanyang dalawang anak na sina Isabella at Gabriela. Marami ang humanga at nakapansin sa kagandahan ng mag-iina kaya naman, marami ang nagkomento sa naturang post ni Mariel.

Nagbigay naman ng babala si Mariel kaugnay sa fake account na nagkukunwaring siya. Sa binahaging screenshot ni Mariel, makikita na ang tinututkoy niya fake accoutn ay may handle na @marieltpadilla_ - Dinagdagan lamang ng underscore ang dulo ng username kaya marami ang maaring maniwalang pagmamay-ari iyon ni Mariel. Makikita sa profile ng fake account na nang-eengganyo ito bilhin ang mga produktong tinitinda niya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel