Andrew Schimmer sa lagay ng kanyang misis; "Everything is going smoothly"

Andrew Schimmer sa lagay ng kanyang misis; "Everything is going smoothly"

- Nagbigay ng update si Andrew Schimmer sa lagay ng kanyang misis na ibinalik sa ospital

- Habang isinasagawa niya ang video noong Oktubre 21, sumasailalim ang kanyang misis sa dialysis

- Ipinaliwanag ng aktor ang dahilan ng one-time dialysis ng misis na tumaas ang sodium level, dahilan para malagak muli ito sa ICU

- Hiling pa rin ni Andrew ang panalangin para sa misis at tuluyan nang gumanda umano ang pakiramdam nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Matapos ang ilang araw mula nang muling ibalik si Jho Rovero sa ospital, nagbigay ng update ang kanyang mister na si Andrew Schimmer ukol sa kanyang kalagayan.

Andrew Schimmer sa lagay ng kanyang misis; "Everything is going smoothly"
Andrew Schimmer at misis na si Jho Rovero (The Schimmers)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na inanunsyo ni Andrew na maayos na umano ang lagay ng kanyang misis na nasa ICU dahil na rin sa mga mahuhusay na doktor at nurses na nakasubaybay sa kalagayan nito.

Read also

Andrew Schimmer, masayang makita ang misis na gising at nagre-response sa kanya

"Bumababa na 'yung sodium level, actually malaki na 'yung ibinaba. Magaling yung sobrang husay ng mga attending doctors kahit yung mga nurses dito sa ICU sa 3rd floor. Very good and very very effective. Talagang para akong nabunutan ng tinik sa dibdib," ani Andrew.

Matatandaang nilagnat at nagsusuka ang kanyang misis na noo'y nasa kanila nang tahanan kaya naman naisipan na nilang ibalik sa ospital.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Doon nila nalaman na tumaas pala ang sodium level nito, bagay na naisisi 'di umano ni Andrew sa nutritionist ng kanyang misis.

Subalit sa update nito ngayong Oktubre 22 base sa isinasagawang gamutan kay Jho nito lamang Oktubre 21, sumasailalim naman ito sa dialysis ngunit malayo na raw ito sa kritikal na kondisyon.

Narito ang kabuuan ng update ni Andrew mula sa YouTube channel nila na The Schiummers:

Read also

Misis ni Andrew Schimmer, sumailalim sa one-time dialysis; "Giginhawa raw yung pakiramdam niya"

Si Andrew Schimmer ay isang Filipino actor. Ilan sa kanyang mga naging proyekto sa showbiz ay ang "Babangon Ako't Dudurugin Kita", "Gagamboy" at "Resiklo".

Sa Ogie Diaz inspires channel mapapanood ang nakakaantig pusong interview ni Ogie kay Andrew Schimmer. Pumalo ito ng nasa mahigit 2 million views ang naturang panayam sa loob lamang ng dalawang araw buhat nang ito'y maisa-ere. Sa pamamagitan din ng panayam na ito, mas lalong naunawaan ng publiko ang pinagdadaanan ng pamilya Schimmer.

Sa 'Showbiz Update' naman na channel ni Ogie Diaz, nabanggit nitong marami ang nais pang tumulong sa misis ni Andrew Schimmer na halos isang taon nang nasa ospital.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel