Andrew Schimmer sa lagay ng misis; "High fever and vomiting siya ngayon"

Andrew Schimmer sa lagay ng misis; "High fever and vomiting siya ngayon"

- Nagbigay ng update si Andrew Schimmer sa lagay ng kanyang misis na nasa kanila nang tahanan

- Sa ikalimang araw nito mula nang maiuwi, nilagnat ito kaya naman tutok na tutok lalo sila sa pag-aalaga

- Nawala man ang lagnat, nais pa rin sana ni Andrew na maka-kausap ng pulmonologist upang masiguro ang kondisyon ng misis

- Patuloy ang pagmo-monitor nila kada oras sa pagbabago sa kalagayan nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinahagi ni Andrew Schimmer ang lagay ng kanyang misis na nilarawan niyang may "high fever and vomiting" noong Oktubre 16.

Andrew Schimmer sa lagay ng misis; "High fever and vomiting siya ngayon"
Andrew Schimmer kasama ang misis na si Jho (The Schimmers)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na makalipas ang nasa limang araw nang maiuwi nila mula sa ospital si Jorhomy Rovero o "Jho," nilagnat ito.

"Fever niya is 38.8. Tapos pumanhik ng 39. Kaya pinupunas-punasan namin siya. Para 'yung fever niya, bumaba. Pero nagbigay naman na tayo ng paracetamol," ani Andrew habang patuloy na inaasikaso ang asawa.

Read also

Barbie Forteza, may nilinaw ukol sa kanilang serye; "Hindi naman po natin babaguhin ang history"

Naikwento rin ni Andrew na maliban sa mataas na lagnat, nagsusuka rin si Jho kaya naman mas lalo nila itong tinutukan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Ang matindi pa diyan, nagsuka siya kanina. Sumuka siya ng secretions niya. So hindi ko maintindihan kung nag-acid reflux ba siya kaya siya nag-vomit o hindi niya mailabas yung plema niya kaya niya isinuka," paliwanag ni Andrew.

Dahil dito, nais sana ni Andrew na makausap ang isang pulmonologist upang masiguro kung ano nga ba talaga ang nangyayari sa kanyang misis na kasalukuyan na ngayong nasa kanilang tahanan.

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag mula sa YouTube channel nilang 'The Schimmers':

Sa Ogie Diaz inspires channel mapapanood ang nakakaantig pusong interview ni Ogie kay Andrew Schimmer. Pumalo ito ng nasa mahigit 2 million views ang naturang panayam sa loob lamang ng dalawang araw buhat nang ito'y maisa-ere. Sa pamamagitan din ng panayam na ito, mas lalong naunawaan ng publiko ang pinagdadaanan ng pamilya Schimmer.

Read also

Yassi Pressman, umabot sa puntong parang na-stroke siya nang mamatay ang ama

Sa 'Showbiz Update' naman na channel ni Ogie Diaz, nabanggit nitong marami ang nais pang tutulong sa misis ni Andrew Schimmer na nasa siyam na buwan nang nakaratay sa ospital.

Dahil sa marami ang nakapanood ng interview ni Ogie Diaz kay Andrew, dumagsa ang mga nais pang tumulong sa pamilya ng aktor.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel