Andrew Schimmer, masayang ipinakita ang pag-uwi ng kanyang misis mula sa ospital

Andrew Schimmer, masayang ipinakita ang pag-uwi ng kanyang misis mula sa ospital

- Masayang ipinakita ni Andrew Schimmer ang paglabas ng ospital ng kanyang misis na si Jorhomy

- Oktubre 10 nang i-anunsyo niyang makakauwi na ang kanyang misis mula sa halos isang taon na pagkakaratay nito sa ospital

- Dahil sa kinakitaan ito ng pagbabago sa kondisyon, pinayagan na silang maiuwi si Jorhomy upang doon na nila maalagaan

- Naroon din ang mga anak nila ni Andrew na makikita ang saya sa pag-uwi ng kanilang ina

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Masayang ibinahagi ni Andrew Schimmer ang paglabas na ng ospital ng kanyang misis na si Jorhomy.

Andrew Schimmer, masayang ipinakita ang pag-uwi ng kanyang misis mula sa ospital
Andrew Schimmer kasama ang misis at kanyang panganay na anak (The Schimmers)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na makalipas ang halos isang taon, nakauwi na si Jorhomy na labis na ikinatuwa ng kanyang pamilya at maging ang mga taong nakasubaybay sa nakaaantig ng pusong kwento ng 'The Schimmers.'

"Mga kapatid, lalabas na ng ospital ang aking asawa. kaya full force kami ngayon dito sa hospital. Update ko kayo mamaya guys pag nasa ambulance na kami going home para makita niyo 'yung mukha niya habang binabyahe. Excited na kami 'yung facial reaction niya pag sinakay na namin siya sa ambulance," ani Andrew sa kanyang pag-anunsyo pa lamang na uuwi ang kanyang misis.

Read also

Ina ng misis ni Andrew Schimmer sa lagay ng anak pauwi; "excited siya, hindi natulog"

At nang ipakita nga ni Andrew ang mga kaganapan sa pagsakay pa lamang nila ng ambulansya, mababakas ang saya sa puso ng bawat isa, maging ng mga nurses at staff sa ospital na masaya sa pagkakataong makakauwi ni si Jorhomy upang doon na lamang sa kanilang tahanan tuluyan na magpagaling.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel na The Schimmers:

Sa Ogie Diaz inspires channel mapapanood ang nakakaantig pusong interview ni Ogie kay Andrew Schimmer. Pumalo ito ng nasa mahigit 2 million views ang naturang panayam sa loob lamang ng dalawang araw buhat nang ito'y maisa-ere. Sa pamamagitan din ng panayam na ito, mas lalong naunawaan ng publiko ang pinagdadaanan ng pamilya Schimmer.

Sa 'Showbiz Update' naman na channel ni Ogie Diaz, nabanggit nitong marami ang nais pang tululong sa misis ni Andrew Schimmer na nasa siyam na buwan nang nakaratay sa ospital.

Read also

Kobe Paras, muling nag-post ng mga sweet pictures nila ni Erika Rae Poturnak

Dahil sa marami ang nakapanood ng interview ni Ogie Diaz kay Andrew, dumagsa ang mga nais pang tumulong sa pamilya ng aktor.

"Sa amin nagti-text 'yung iba, nagpi-PM at nagdi-DM na 'pano po namin maibibigay 'yung Gcash kasi nag-exceed na for the month of August," ani Ogie kaya't kinailangang magbigay umano ng panibagong account detail sina Andrew kung saan maari pang ipadala ang mga tulong pinansyal para sa kanyang asawa.

Sa naturang interview, idinetalye ni Andrew ang pag-aalagang ginagawa niya sa misis gayundin sa kanilang dalawang anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel