Ina ng misis ni Andrew Schimmer sa lagay ng anak pauwi; "excited siya, hindi natulog"

Ina ng misis ni Andrew Schimmer sa lagay ng anak pauwi; "excited siya, hindi natulog"

- Ibinahagi ng ina ni Jorhomy "Jho" Rovero ang lagay ng anak nang isakay na nila ito sa ambulansya pauwi

- Makalipas ang halos isang taon, makakauwi na si Jho at sa kanilang tahanan na magpapalakas at magpapagaling

- Sa video, makikitang hindi ito natutulog sa biyahe na tila raw ito'y nakikiramdam

- Matatandaang inanunsyo ni Andrew Schimmer, ang mister ni Jho na makalalabas na ito ng ospital noong Oktubre 10

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ipinakita ni Josephine Penaranda, ina ni Jorhomy "Jho" Rovero ang kalagayan nito nang payagan na siyang maiuwi sa kanilang tahanan.

Ina ng misis ni Andrew Schimmer, sa lagay ng anak pauwi; "excited siya hindi natulog"
Si Andrew Schimmer kasama ang misis na si Jorhomy (@Jho)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na makalipas ang halos isang taon sa pagkakalagak sa ospital, nakauwi na si Jho na labis na ikinasiya ng kanyang pamilya maging ng mga taong nakasubaybay sa kwento ng 'The Schimmers.'

Sa Facebook reel na ibinahagi ni Josephine, makikita si Jho na sakay na ng ambulansya pauwi sa kanilang tahanan kung saan ito ay patuloy na magpapalakas at magpapagaling.

Read also

Zeinab at Ivana, masayang nagkulitan sa Nightmares Manila: "Uy, may papakulam ako"

"Pauwi na po kami niyan excited siya hindi natulog," ang caption ng post ni Josephine patungkol sa anak na umano'y nakikiramdam sa kung saan sila patungo.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Samantala, sa video na ibinahagi ni Andrew Schimmer noong Oktubre 10, inanunsyo niya ang masayang pag-uwi ng kanyang misis.

Ibinahagi rin nito ang kanilang pag-alis sa ospital at kung paano nila pinasalamatan ang lahat ng mga nurses at staff na naging bahagi ng kanilang laban hanggang sa makauwi si Jorhomy.

Sa Ogie Diaz inspires channel mapapanood ang nakakaantig pusong interview ni Ogie kay Andrew Schimmer. Pumalo ito ng nasa mahigit 2 million views ang naturang panayam sa loob lamang ng dalawang araw buhat nang ito'y maisa-ere. Sa pamamagitan din ng panayam na ito, mas lalong naunawaan ng publiko ang pinagdadaanan ng pamilya Schimmer.

Read also

Andrew Schimmer, masayang ipinakita ang pag-uwi ng kanyang misis mula sa ospital

Sa 'Showbiz Update' naman na channel ni Ogie Diaz, nabanggit nitong marami ang nais pang tululong sa misis ni Andrew Schimmer na nasa siyam na buwan nang nakaratay sa ospital.

Dahil sa marami ang nakapanood ng interview ni Ogie Diaz kay Andrew, dumagsa ang mga nais pang tumulong sa pamilya ng aktor.

"Sa amin nagti-text 'yung iba, nagpi-PM at nagdi-DM na 'pano po namin maibibigay 'yung Gcash kasi nag-exceed na for the month of August," ani Ogie kaya't kinailangang magbigay umano ng panibagong account detail sina Andrew kung saan maari pang ipadala ang mga tulong pinansyal para sa kanyang asawa.

Sa naturang interview, idinetalye ni Andrew ang pag-aalagang ginagawa niya sa misis gayundin sa kanilang dalawang anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel