Kobe Paras, muling nag-post ng mga sweet pictures nila ni Erika Rae Poturnak

Kobe Paras, muling nag-post ng mga sweet pictures nila ni Erika Rae Poturnak

- Nag-post si Kobe Paras ng pictures nila ng rumored girlfriend niyang si Erika Rae Poturnak

- Sa kanyang Instagram Stories ay makikita ang ilang sweet na pictures nilang magkasama

- Kasunod ito ng paglabas ng bali-balitang nagkakalabuan na sila dahil sa pag-unfollow nila sa isa't-isa

- Gayunpaman, kinalaunan ay naka-follow na silang muli sa isa't-isa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinida ni Kobe Paras ang sweet pictures nila ng kanyang napapabalitang girlfriend na si Erika Rae Poturnak. Ni-repost din ni Erika ang pictures nila sa Instagram stories ni Kobe.

Kobe Paras, muling nagpost ng mga sweet pictures nila ni Erika Rae Poturnak
Kobe Paras, muling nagpost ng mga sweet pictures nila ni Erika Rae Poturnak (@erikarae.p)
Source: Instagram

Matapos nga ang paglabas ng bali-balitang nagkakalabuan na sila kasunod ng pag-unfollow nila sa isa't-isa sa Instagram, muling nabuhayan ng loob ang mga netizens na sumusuporta sa kanila. Kasunod ng pag follow nilang muli sa isa't-isa ay muling binalik ni Kobe ang mga pictures nila na nauna niya nang na-post sa Instagram.

Read also

Andrew Schimmer, masayang ipinakita ang pag-uwi ng kanyang misis mula sa ospital

Wala pang direktang pag-amin mula sa dalawa tungkol sa kung ano ang namamagitan sa kanila ngunit matapos nilang ibahagi ang kanilang sweet na mga pictures na magkasama ay marami ang kumbinsidong magkarelasyon na sila.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Erika Rae Poturnak ay anak ni Si Rina Marie Padilla Raymundo, o mas kilala sa kanyang screen name na Ina Raymundo. Siya ay isang Pinay actress na nakilala sa kanyang pagganap sa mga pelikula at serye. Bukod sa pagiging aktres, isa din siyang commercial model at singer. Sumikat din siya sa TV ad ng San Miguel Beer noong 1995.

Ibinahagi ni Ina ang picture nila ng kanyang nag-iisang anak na lalaki. Kalakip nito ay ang baby picture ng anak na kasalukuyang mas matangkad na sa kanya. Ani Ina, mukha lang niyang "kuya" ang anak dahil mas matangkad pa ito sa kanya. Marami naman ang nakapansin sa artistahing anak ni Ina.

Matapos maging isap-usapan ang tungkol sa napapabalitang relasyon ni Kobe Paras at Erika, ayon kay Benjie Paras ay mas maiging hindi siya magkokomento kaugnay sa love life ng anak. Aniya, hindi siya nakikialam sa personal na buhay ng anak dahil alam niyang nasa tamang edad na umano ito. Aniya, tiwala siyang alam na ng anak na gumawa ng tamang desisyon para sa kanyang sarili.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel