Andrew Schimmer, aminadong nahirapang magpaliwanag sa anak sa sitwasyon ng asawa

Andrew Schimmer, aminadong nahirapang magpaliwanag sa anak sa sitwasyon ng asawa

- Ayon kay Andrew Schimmer, may pagkakataong nahihirapan siyang ipaliwanag sa kanyang anak ang kalagayan ng kanilang mommy

- Ang kanyang bunsong anak na 8 taong gulang ang aniya ay maraming nagiging tanong sa kanya

- Araw-araw umano ay may tanong ito ngunit sinusubukan ni Andrew na mapaliwanagan ang anak hanggang sa makakaya niya

- Ang kanyang panganay na anak naman umano ay mas nakakaintindi na at inaaral niya na lang ang nangyayari sa kanilang mommy

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inamin ni Andrew Schimmer na nahirapan siya noong una kung paano ipapaliwanag sa anak niya ang kalagayan ng kanilang mommy. Araw-araw umano ay may tanong ito ngunit sinusubukan ni Andrew na mapaliwanagan ang anak hanggang sa makakaya niya.

Andrew Schimmer, aminadong nahirapang magpaliwanag sa anak sa sitwasyon ng asawa
Andrew Schimmer, aminadong nahirapang magpaliwanag sa anak sa sitwasyon ng asawa (John Andrew Schimmer)
Source: Facebook

Sa tulong ng mga videos sa YouTube ay naipapaliwanag niya umano sa anak ang kalagayan ng mommy niya. Dahil bata, marami itong katanungan ngunit hindi naman umano nito inuulit-ulit ang kanyang tanong.

Read also

Huling panayam kay Cherie Gil, binalikan ng publiko matapos ang pagpanaw nito

Malapit ang kanilang bunsong anak sa kanyang ina kaya apektado ito sa kalagayan ng ina na hindi niya nakakausap. Sa panayam ni Ogie Diaz kay Andrew, naibahagi niyang sa kabila ng araw-araw nilang pagpunta sa ospital, nabibigyan niya ng oras ang mga anak sa pag-aaral ng mga ito. Marami ang naantig sa kwento ni Andrew at ng kanyang pamilya na kasalukuyan pa ring inilalaban ang paggaling ng asawa niyang si Jorhomy “Jho” Rovero.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Andrew Schimmer ay isang aktor sa Pilipinas na sinilang noong June 10, 1986 sa Manila, Philippines. Ilan sa mga sumikat na pelikulang kinabilangan niya ay Babangon Ako't dudurugin kita (2008), Gagamboy (2004) and Resiklo (2007).

Matatandaang humingi ng tulong si Andrew sa mga kasamahan niya sa showbiz at maging sa netizens para sa kanyang misis na si Jorhomy “Jho” Rovero. Nakaranas ng matinding asthma attack si Jho na nagresulta sa cardiac arrest at brain hypoxia. Dahil sa nangyari ay nasa ICU ng St. Luke’s Medical Center in Bonifacio Global City, Taguig City ang asawa niya at malaki na ang kanilang bayarin.

Read also

Ivana Alawi, may 15 million subscribers na sa YT; 15,000 naman ang natulungang pamilya

Nagbahagi ng mensahe si Andrew para sa kaarawan ng kanyang misis. Inihayag nito ang kanyang pagmamahal sa asawa na ilang buwan na ring namamalagi sa ospital. Umaasa ang aktor na muli niyang makikitang ngumiti at tumawa ang kanyang maybahay. Aniya, magkasama nilang haharapin at pagtatagumpayan ang pagsubok na kanilang dinaranas.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate