Andrew Schimmer, nagbahagi ng mensahe sa misis para sa kaarawan nito: "Don't give up yet"

Andrew Schimmer, nagbahagi ng mensahe sa misis para sa kaarawan nito: "Don't give up yet"

- Nagbahagi ng mensahe si Andrew Schimmer para sa kaarawan ng kanyang misis na si Jorhomy “Jho” Rovero

- Inihayag nito ang kanyang pagmamahal sa asawa na ilang buwan na ring namamalagi sa ospital matapos makaranas ng matinding asthma attack na nagresulta sa cardiac arrest at brain hypoxia

- Umaasa ang aktor na muli niyang makikitang ngumiti at tumawa ang kanyang maybahay

- Aniya, magkasama nilang haharapin at pagtatagumpayan ang pagsubok na kanilang dinaranas

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa pagbati ni Andrew Schimmer para sa kanyang misis na si Jorhomy “Jho” Rovero, tiniyak niyang naroroon lang siya palagi para sa asawa. Umaasa ang aktor na muli niyang makikitang ngumiti at tumawa ang kanyang maybahay.

Andrew Schimmer, nagbahagi ng mensahe sa misis para sa kaarawan nito: "Don't give up yet"
Andrew Schimmer, nagbahagi ng mensahe sa misis para sa kaarawan nito: "Don't give up yet" (John Andrew Schimmer)
Source: Facebook

Inihayag ng aktor ang kanyang pagmamahal para sa asawa. Aniya, magkasama nilang haharapin at pagtatagumpayan ang pagsubok na kanilang dinaranas.

Read also

Aubrey Miles, sinisi noon ang sarili nang malaman ang tungkol sa autism ng anak

Happy happy Birthday my Love❤️‍
Words are not enough to Express how I feel for you my dear. I Love you with all my heart and strength. Wag kapong maiinip, alam ng panginoon lahat, nakikita nya lahat ng paghihirap mopromseee someday you will smile again... I will hear you laugh again so please, fight more. Don't give up yet. I will always have your back, no matter what. Dito lang po ang dadi sa tabi mo forever we will fight and win this battle together.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Andrew Schimmer ay isang aktor sa Pilipinas na sinilang noong June 10, 1986 sa Manila, Philippines. Ilan sa mga sumikat na pelikulang kinabilangan niya ay Babangon Ako't dudurugin kita (2008), Gagamboy (2004) and Resiklo (2007).

Matatandaang humingi ng tulong si Andrew sa mga kasamahan niya sa showbiz at maging sa netizens para sa kanyang misis na si Jorhomy “Jho” Rovero. Nakaranas ng matinding asthma attack si Jho na nagresulta sa cardiac arrest at brain hypoxia. Dahil sa nangyari ay nasa ICU ng St. Luke’s Medical Center in Bonifacio Global City, Taguig City ang asawa niya at malaki na ang kanilang bayarin.

Isang liham ang binahagi ni Andrew kamakailan para sa kanyang misis. Umabot na sa halos siyam na buwan na nasa ospital ang kanyang asawa. Ibinahagi niya ang sakit na kanyang dinaranas sa nangyari sa asawa at umaasa siyang makakauwi na rin ito.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel