Aubrey Miles, sinisi noon ang sarili nang malaman ang tungkol sa autism ng anak

Aubrey Miles, sinisi noon ang sarili nang malaman ang tungkol sa autism ng anak

- Aminado si Aubrey Miles na sinisi niya ang kanyang sarili nang una nilang malaman ang tungkol sa autism ng anak na si Rocket

- Sa kanyang pagkukuwento sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga, hindi napigilan ni Aubrey ang maging emosyonal

- Nasabi umano sa kanila ng doktor na walang tukoy na dahilan kung bakit nagkakaroon ng autism ang bata

- Gayunpaman, naaayos naman umano at natutulungan ang mga taong may autism sa pamamagitan ng therapy

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Emosyonal na inamin ni Aubrey Miles na sinisi niya ang kanyang sarili nang una niyang nalaman ang tungkol sa autism ng kanyang anak. Sa kanyang pagkukuwento sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga, naikwento ng mag-asawang Aubrey at Troy Montero ang tungkol sa pinagdaanan nila.

Aubrey Miles,sinisi ang sarili nang malaman ang tungkol sa autism ng anak
Aubrey Miles,sinisi ang sarili nang malaman ang tungkol sa autism ng anak (@milesaubrey)
Source: Instagram
‘Ako ba ‘yan? What did I do? ‘Yung genes ba namin?’ Sabi ko, ‘Bakit? Hindi naman ako nag-diet nung time na ‘yon.'”

Read also

Andrew Schimmer, nagbahagi ng mensahe sa misis para sa kaarawan nito: "Don't give up yet"

Gayunpaman, nasabi umano sa kanila ng doktor na walang tukoy na dahilan kung bakit nagkakaroon ng autism ang bata.

Ayon kay Aubrey, naiyak siya dahil sa wakas ay mas bukas na sila sa publiko.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“I’m crying because we can say it kasi before parang it was so hard. Sabi ko, ‘Nakakahiya ba ‘yon na baka ...Now, I’m happy that I’m open and I’m like, ‘You know what? We can do this.'”

Nagmula ang stage surname ni Aubrey sa "Miles Away" na awitin. Nakilala siya sa kanyang mapangahas na mga pagganap sa mga pelikula. Ang kanyang karelasyong si Troy Montero ang ama ng kanyang dalawang anak na sina Hunter Cody Sandel Miller at Rocket Miller..

Matatandaang kamakailan lang ay binahagi ng mag-asawa ang tungkol sa kalagayang ito ng kanilang anak na si Rocket. marami ang humanga sa mag-asawa dahil sa kanilang pagbabahagi ng kaalaman tungkol sa mga kagaya nilang magulang na may anak na mayroong ASD.

Read also

Pokwang sa hiwalayan nila ni Lee O'Brian; "We're friends"

Kamakailan ay kinasal sina Troy at Aubrey sa isang civil wedding ceremony. Ito ay ayon sa showbiz reporter na si Gretchen Fullido at naibahagi din ng dalawa ang ilang pictures at videos na kuha sa kanilang kasal. Matatandaang nitong Marso lang ng kasalukuyang taon naganap ang pag-propose ni Troy kay Aubrey na kanyang partner sa loob ng 18 na taon. Naging magkarelasyon sila noong 2003 at nabiyayaan ng dalawang anak na sina Hunter Cody Sandel Miller at Rocket Miller.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel