Pokwang sa hiwalayan nila ni Lee O'Brian; "We're friends"

Pokwang sa hiwalayan nila ni Lee O'Brian; "We're friends"

- Sa programang "Unang Hirit", naging panauhin si Pokwang na nakumusta ang estado ng kanyang puso

- Ito ay matapos na isapubliko niya ang hiwalayan ng kanyang dating partner na si Lee O'Brian

- Aniya, walong buwan na ang nakalipas at maayos umano ang kanilang pagtatapos

- Katunayan, 'friends' daw sila ni Lee na aniya'y pinakahuling taong iniyakan niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagkaroon ng pagkakataong makumusta ni Suzie ng Unang Hirit si Pokwang kaugnay sa kaaanunsyo lamang niyang hiwalayan sa dating nobyong si Lee O'Brian.

Pokwang sa hiwalayan nila ni Lee O'Brian; "We're friends"
Pokwang at Lee O"Brian (@itspokwang27)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na walong buwan na umano ang nakakaraan nang pormal nang wakasan nina Pokwang at Lee ang kanilang relasyon.

"Okay na okay, kumbaga maganda 'yung pagkakatapos. So we're friends. Maganda," diretsang sagot ng komedyante.

"Mag-i-eight months na e. So hindi ka pwedeng mag-dwell sa past. Meron kang mga iintindihing buhay," dagdag pa niya.

Read also

Pokwang, sinabing si Alden Richards ang pinakamabait na nakatrabaho niya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa ngayon, bukod sa kanyang mga negosyo, abala rin si Pokwang sa kanyang show sa GMA na 'Tiktoclock.' Mapapanood ito sa Hulyo 25 kaya naman excited na ang komedyante sa pagbabalik host niya.

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Suzie mula sa Unang Hirit:

Si Pokwang o Marietta Subong sa totoong buhay ay isa sa mga kilalang komedyante, TV host at performer sa bansa. Naging bahagi siya ng ilang mga programa sa telebisyon tulad ng Wowowee, Pilipinas Win na Win at Happy Yipee Yehey kung saan siya ay isa sa mga naging host.

Taong 2018 nang ipinanganak niya si Francine Malia O'Brian sa Antipolo City. Ito ang unica hija nila ng Amerikanong si Lee O'Brian.

Read also

Anabelle Rama, agaw-pansin ang kagandahan sa binahaging video

Kamakailan ay kinumpirma ng malapit na kaibigan ni Pokwang na si Ogie Diaz ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Lee. Matagal na niya umanong alam ang tungkol dito ngunit dala ng respeto niya sa kaibigang si Pokwang ay hindi niya muna ito noon nababanggit sa kanyang YouTube channel na 'Showbiz Update'.

Gayunpaman, dahil lumabas na rin ang balita ay minabuti niyang linawin ang balita para hindi na rin umano magsanga-sanga ang isyu. November pa noong nakaraang taon umano nagkahiwalay ang dalawa at kasalukuyang nakatira sa bukod na bahay si Lee.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel