Pokwang, sinabing si Alden Richards ang pinakamabait na nakatrabaho niya

Pokwang, sinabing si Alden Richards ang pinakamabait na nakatrabaho niya

- Si Alden Richards ang nasabi ni Pokwang na pinakamabait na nakatrabaho niya

- Ang aktor ang kanyang isinagot nang malagay siya sa 'fast talk' sa programang 'Unang Hirit'

- Matatandaang marami-rami na rin talaga ang pumupuri sa kabaitan ng aktor

- Isa na rito ang komedyanteng si Betong na nagulat nang pakyawin ni Alden ang kanyang paninda noong kasagsagan ng pandemic

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Para sa komedyanteng si Pokwang, si Alden Richards umano ang pinakamabait niyang nakatrabaho sa showbiz.

Pokwang, sinabing si Alden Richards ang pinakamabait na nakatrabaho niya
Alden Richards (@aldenrichards02)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa mga naitanong sa kanya si Suzie nang maging panauhin siya sa Unang Hirit.

"Pinakamabait na showbiz personality na nakasama mo?" ani Suzie.

"Ah, Alden! I love Alden, 'di ba?" agad na sagot ni Pokwang.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Pokwang sa hiwalayan nila ni Lee O'Brian; "We're friends"

Matatandaang hindi lamang si Pokwang ang unang pumuri sa kabutihan ni Alden.

Matatandaang sa kasagsagan ng pandemya, talagang napaiyak ang isa ring komedyante na si Betong nang biglang pakyawin ni Alden ang mga itinitinda niyang damit online.

Halos hindi kasi makapaniwala si Betong na si Alden Richards ang nagpadala sa kanyang ng mensahe at sinasabing bibilhin niya ang lahat ng paninda nito.

Ipinakwenta agad ng Kapuso actor ang mga produkto ni Betong. At hindi nagtagal, nabayaran na rin niya agad ito.

Si Richard Reyes Faulkerson Jr., o mas kilala bilang si Alden Richards ay isang Filipino actor, product endorser, ambassador, entrepreneur, at recording artist.

Mas nakilala si Alden nang maging kapareha niya si Maine Mendoza at naging instant love team na "AlDub' ng Eat Bulaga.

Pinakaabangan ang kanilang 'Kalyeserye' sa noontime show hanggang sa kanilang pagkikita noong July 16, 2015 na ginanap pa sa Philippine Arena.

Ngayon, pinakaaabangan ang sinasabing pagtatambal nina Alden at ngayo'y Kapuso Star na si Bea Alonzo.

Read also

Anabelle Rama, agaw-pansin ang kagandahan sa binahaging video

Samantala, Si Pokwang o Marietta Subong sa totoong buhay ay isa sa mga kilalang komedyante, TV host at performer sa bansa. Naging bahagi siya ng ilang mga programa sa telebisyon tulad ng Wowowee, Pilipinas Win na Win at Happy Yipee Yehey kung saan siya ay isa sa mga naging host.

Taong 2018 nang ipinanganak niya si Francine Malia O'Brian sa Antipolo City. Ito ang unica hija nila ng Amerikanong si Lee O'Brian.

Kamakailan ay kinumpirma ng malapit na kaibigan ni Pokwang na si Ogie Diaz ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Lee. Matagal na niya umanong alam ang tungkol dito ngunit dala ng respeto niya sa kaibigang si Pokwang ay hindi niya muna ito noon nababanggit sa kanyang YouTube channel na 'Showbiz Update'.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel