Anabelle Rama, agaw-pansin ang kagandahan sa binahaging video

Anabelle Rama, agaw-pansin ang kagandahan sa binahaging video

- Nagbahagi ng maikling video si Anabelle Rama kung saan binubuksan niya ang isa sa natanggap na regalo

- Ito ay isang mamahaling bag na mayroon ding kasama na headband at aniya ay gustong-gusto niya ang regalong natanggap

- Mas napansin naman ng netizens ang kagandahan ni Annabelle na ayon sa marami ay lalong bumata at gumanda

- Kahapon lamang ay binahagi niya ang pictures na kuha sa kanyang ginanap na birthday party

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Agaw-pansin ang kagandahan ni Annabelle Rama sa isang video na kanyang binahagi. Marami ang nagsabing bumagay sa kanya ang kanyang bagong hairstyle na lalo umanong nagpabata sa kanya.

Anabelle Rama, agaw-pansin ang kagandahan sa binahaging video
Anabelle Rama, agaw-pansin ang kagandahan sa binahaging video(@annabelleramaig)
Source: Instagram

Sa kanyang binahaging video ay makikitang nagbubukas si Annabelle ng regalong natanggap niya, isang mamahaling bag na may kasamang headband.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

Ganda nyo po parang nasa 40's lang di ko po kayo nakilala.

Read also

Ivana Alawi, nag-post tungkol sa pagkakaroon ng "good heart"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang ganda mo po hindi ko akalain ikaw ung nasa video until nadinig ko boses mo hehe.
Wow d ko nakilala c madam Annabelle pla so pretty looking fabulous

Si Annabelle Rosales Rama-Gutierrez o mas kilala bilang si Annabelle Rama ay isang Pinay actress at talent manager. Siya ay nagmula sa Cebu at ang maybahay ng 1960s Philippine cinema matinee idol na si Eddie Gutierrez. Bumida siya sa pelikulang "My Monster Mom" kasama ang anak na si Ruffa Gutierrez.

Samantala, naiyak si Annabelle habang nakikinig sa kwento ng isa sa mga kalahok sa segment kung saan isa siya sa mga hurado sa It's Showtime. Ang naturang kalahok ay binati ang kanyang ina ng Happy Father's Day dahil mag-isa nitong tinaguyod ang pagpapalaki sa kanya bilang isang single mom. Ayon kay Annabelle, naalala niya ang kanyang mga apo na nasa Istanbul, Turkey sa kasalukuyan kasama ang kanilang ama. Sa loob ng 15 taon ay si Ruffa lang din ang nagtaguyod sa kanyang mga anak matapos nilang maghiwalay ng dating asawa nitong si Yilmaz Bektas.

Read also

Melai Cantiveros at kanyang mag-aama, kinaaliwan sa bago nilang vlog

Prangkang pinagsabihan ni Annabelle Rama ang isang contestant sa It's Showtime tungkol sa pagbe-baby talk. Aniya, cute pakinggan ang baby talk pero hindi niya ina-advice sa lahat na mag-baby talk kasi aniya ay mahirap kapag nasanay. Nabanggit pa niya ang tungkol sa isang politician na aniya ay wala siyang naintindihan dahil nag-baby talk. Sa huling bahagi ng kanyang komento ay sinabi niyang tigilan ang pag-baby talk.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel