Annabelle Rama, hindi napigilan ang emosyon nang maalala ang mga apo

Annabelle Rama, hindi napigilan ang emosyon nang maalala ang mga apo

- Naiyak si Annabelle Rama habang nakikinig sa kwento ng isa sa mga kalahok sa segment kung saan isa siya sa mga hurado sa It's Showtime

- Ang naturang kalahok ay binati ang kanyang ina ng Happy Father's Day dahil mag-isa nitong tinaguyod ang pagpapalaki sa kanya bilang isang single mom

- Ayon kay Annabelle, naalala niya ang kanyang mga apo na nasa Istanbul, Turkey sa kasalukuyan kasama ang kanilang ama

- Sa loob ng 15 taon ay si Ruffa lang din ang nagtaguyod sa kanyang mga anak matapos nilang maghiwalay ng dating asawa nitong si Yilmaz Bektas

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi napigilan ni Annabelle Rama ang kanyang emosyon matapos niyang marinig ang mensahe ng isang kalahok para sa kanyang ina na isang single mom. Ayon kay Annabelle, naalala niya ang kanyang mga apo na kasalukuyang nasa Istanbul, Turkey.

Read also

Bugoy Cariño, inaming mas malaki ang kinikita ngayon sa FB streaming

Annabelle Rama, hindi napigilan ang emosyon nang maalala ang mga apo
Annabelle Rama, hindi napigilan ang emosyon nang maalala ang mga apo (Screenshot from ABS-CBN Entertainment/YT)
Source: Facebook

Kwento naman ni Ruffa, nagsabi umano ang kanyang mommy na gusto niyang sumama sa kanyang mga apo. Aniya, nagkaayos at nagkausap naman na sila ni Yilmaz kaya aniya ay pwede na siyang sumama.

Malapit naman na daw umuwi ang dalawang apo niya ayon kay Raymond Gutierrez na kasama din nila ni Ruffa na hurado sa naturang segment ng It's Showtime.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Sharmaine Ruffa Rama Gutierrez ay isang Pinay beauty queen, actress, at model. Anak siya ng mga batikang artista na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama. Nanalo siya bilang second runner-up sa Miss World 1993 pageant. Nabiyayaan siya ng dalawang anak na sina Lorin Gabriella at Venezia Loran sa dati niyang asawang si Yilmaz Bektas.

Kamakailan ay binahagi ni Ruffa ang isang nakakaantig na video ng kanyang anak at ng dating asawa. Ibinahagi ni Ruffa ang tungkol sa nakatakda nilang pagkikita sa Istanbul, Turkey. Marami ang natuwa para sa kanila dahil matapos ang mahabang panahon ay muling magkikita ang mag-aama.

Sa isang episode ng "It's Showtime kamakailan ay naitanong ni Vhong Navarro si Chie Filomeno kung kamusta ito. Naibahagi ni Chie na nakwento niya kay Ruffa na magsusuot siya ng sneakers. Kinawindang naman ng netizens ang naging rebelasyon ni Ruffa tungkol sa umano'y presyo ng naturang sapatos na suot ni Chie.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel