Bugoy Cariño, inaming mas malaki ang kinikita ngayon sa FB streaming

Bugoy Cariño, inaming mas malaki ang kinikita ngayon sa FB streaming

- Sa kabila ng mga pinagdaanan ng dating child star na si Bugoy Cariño, masasabing unti-unti na raw siyang nakabangon

- Matatandaang naging batang ama si Bugoy, dahilan upang mawalan umano siya ng mga proyekto sa showbiz

- Subalit ngayon, nabigyan pa niya ng negosyo ang ama at maayos din ang kinikita niya sa pag-FB stream niya ng kanyang laro

- Aniya, tila mas malaki pa nga raw ang sinasahod niya ngayon kaysa noong nag-aartista pa siya

Kinumusta ni Karen Davila ang dating child star at dating 'Hashtag' member na si Bugoy Cariño.

Bugoy Cariño, inaming mas malaki ang kinikita ngayon sa FB streaming
Bugoy Cariño kasama ang GF na si EJ Laure (@iambugoycarino03)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ngayo'y masasabing nakabangon na si Bugoy sa mga pagsubok na kanyang kinaharap.

Matatandaang marami ang nagtaka sa biglaan niyang pagkawala sa 'It's Showtime' kung saan bahagi siyang 'Hashtag' na noo'y main stay na rin halos ng noontime show.

Read also

Bugoy Cariño, umaming muntik na piliin ang career noon kaysa sa pagkakaroon ng anak

Iyon ay dahil sa pagdadalang-tao ng kanyang girlfriend na si EJ Laure.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Itinago nila sa publiko ang pagbubuntis na ito ni EJ na kalauna'y inamin din nila lalo na at parang 'mini-me' ni Bugoy ang kanilang baby na si Scarlet.

Nakapanayam din ni Karen si EJ kung saan nakwento nito ang pagiging responsableng ama ni Bugoy.

Katunayan, sa kasagsagan ng pandemya nakapagpatayo ng water station si Bugoy na kalauna'y ibinigay na rin niya sa kanyang ama.

Aniya, mas maayos na kasi ang kinikita niya ngayon kahit wala siya sa showbiz at ito ay dahil sa pag-FB streaming ng kanyang paglalaro.

"Lahat ng mga nawala sa'kin, trabaho, raket lahat ng opportunities, noong lumabas si Scarlet, bumalik, sobra pa! Kaya sobrang thankful po ako kay God. 'Di ko po alam kung paano siya pasasalamatan."

Read also

Tom Rodriguez, iginiit na hindi niya napagbuhatan ng kamay si Carla Abellana

"Siguro nakakatulong din po kasi sa akin yung pag-stream ko sa Facebook. Mas nag-i-earn ako ng ok ngayon kesa noon gnag-aartista ako. Ganoon ko po siya masasabi," paglalarawan ni Bugoy.

Narito ang kabuuan ng kwentuhan nila mula sa YouTube channel ni Karen Davila:

Si Bugoy Cariño ay produkto ng talent search sa ABS-CBN na Star Circle Kid Quest kung saan siya ay tinanghal bilang grand winner. Naging bahagi rin siya ng youth-oriented comedy show na Goin' Bulilit. Kalaunan ay naging miyembro din siya ng all-male group na Hashtags sa noontime show na It's Showtime. Kasintahan niya ang dating volleyball star ng University of Santo Tomas Golden Tigresses na si EJ Laure.

Hindi nila noon itinago ang kanilang relasyon sa publiko sa kabila ng agwat nila sa edad. Sa katunayan, nag-viral ang isang video ng magkasintahan kung saan kinakantahan ni Bugoy si EJ.

Marami naman ang nagulat nang isapubliko nina Bugoy at Ej ang tungkol sa kanilang anak na si Scarlet.

Sa naturang panayam sa kanya ni Karen Davila, buong tapang din niyang inamin na sumagi sa isip nilang ipatanggal noon ang nasa sinapupunan ni EJ. Subalit dahil ng matinding pagdarasal, pag-iisip at pagsuporta ng pamilya, hindi nila ito itinuloy. Masaya silang kasama ngayon ang tatlong taong gulang na anak.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel