Bugoy Cariño, umaming muntik na piliin ang career noon kaysa sa pagkakaroon ng anak

Bugoy Cariño, umaming muntik na piliin ang career noon kaysa sa pagkakaroon ng anak

- Buong tapang na inamin ni Bugoy Cariño na unang plano nila sa kanilang anak ng dating volleyball star na si EJ Laure

- Dala ng kabataan, naisip daw talaga nilang ipatanggal na lang sana ang nasa sinapupunan ng kanyang girlfriend

- Subalit dala ng matinding pagdarasal at pagkausap sa kanyang ama, hindi na ito naipagawa ni Bugoy kay EJ

- Ngayon, masayang-masaya silang mag-anak kasama ang tatlong taong gulang na nilang anak na si Scarlet

Matapang na ibinahagi ni Bugoy Cariño ang una nilang plano sa pagkakaroon nila ng anak ng kasintahang si EJ Laure.

Bugoy Cariño, sa pagiging batang ama; "Una po talaga ang desisyon namin is ipalaglag na lang"
Bugoy Cariño kasama si EJ Laure at kanilang anak na si Scarlet (@ iambugoycarino03)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na sa panayam sa kanya ni Karen Davila, nabanggit niyang nais sana nilang ipatanggal ni EJ ang nasa sinapupunan nito.

Matatandaang 16 pa lamang noon si Bugoy habang 21 naman na si EJ.

Read also

Bugoy Cariño, inaming mas malaki ang kinikita ngayon sa FB streaming

"Ito sasabihin ko talaga. Una po talaga, ang desisyon namin is ipalaglag yung baby. Ok sige, bata pa po ako 'nun e 'Di ko po alam na buhay po pala ang mawawala... Sabi ko sa sarili ko, o sige, para lang mabalik yung career ko, alang-alang na lang sa family ko para makatulong na lang ako ng sobra and maibalik yung mga shows na ibinigay sa akin, 'yung tiwala sa'kin nung ABS... Sabi ko sige, ipalaglag na lang," matapang na inamin ni Bugoy.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ngunit matapos ang ilang araw na pag-iisip, at dala na rin ng payo ng kanyang pamilya lalo ng ama na huwag gawin ang nasabing binabalak, ipinagpatuloy nila ang pagbubuntis ni EJ sa kanilang anak.

Ngayon, labis ang kanilang kasiyahan lalo na at tatlong taong gulang na ang anak niyang si Scarlet.

Read also

MG, hindi nagpatinag; may pasabog din na ilalabas sa kanyang YouTube channel

Narito ang kabuuan ng kanilang inspiring na kwentuhan mula sa YouTube channel ni Karen Davila:

Si Bugoy Cariño ay produkto ng talent search sa ABS-CBN na Star Circle Kid Quest kung saan siya ay tinanghal bilang grand winner. Naging bahagi rin siya ng youth-oriented comedy show na Goin' Bulilit. Kalaunan ay naging miyembro din siya ng all-male group na Hashtags sa noontime show na It's Showtime. Kasintahan niya ang dating volleyball star ng University of Santo Tomas Golden Tigresses na si EJ Laure.

Hindi nila noon itinago ang kanilang relasyon sa publiko sa kabila ng agwat nila sa edad. Sa katunayan, nag-viral ang isang video ng magkasintahan kung saan kinakantahan ni Bugoy si EJ.

Marami naman ang nagulat nang isapubliko nina Bugoy at Ej ang tungkol sa kanilang anak na si Scarlet.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel