MG, hindi nagpatinag; may pasabog din na ilalabas sa kanyang YouTube channel

MG, hindi nagpatinag; may pasabog din na ilalabas sa kanyang YouTube channel

- Ayon kay Mark Jayson Warnakulahew o mas kilala sa tawag na MG, may ilalabas din siya sa kanyang YouTube channel bukas nang alas 9 ng gabi

- Kasunod ito ng video ni Angelica Jane Yap kung saan nabanggit niya ang pangalan ni MG na aniya ay "nakikisawsaw"

- Sa naturang video ay pabiro ding sinabi ni Angelica na kunin na lang daw kaya nilang ninong si MG

- Sa kanyang post ay diretsahang sinabi ni MG na "Big Pass" umano siya sa alok na kuhanin siyang ninong

Para kay MG, magandang tactic umano ang mag-play safe kapag agresibo ang kalaban. Gayunpaman, hindi umano iyon tatalab sa kanyang ilalabas sa kanyang YouTube channel.

MG, hindi nagpatinag; may pasabog din na ilalabas sa kanyang YouTube channel
MG, hindi nagpatinag; may pasabog din na ilalabas sa kanyang YouTube channel (@MakagagoWM09)
Source: Facebook

Wala itong binanggit na pangalan ngunit aniya ay mas magandang "Mature Girl" na lang daw ang bagong tawag doon sa taong kanyang pinatutungkulan. Sa kanyang post ay diretsahang sinabi ni MG na "Big Pass" umano siya sa alok na kuhanin siyang ninong.

Read also

Angelica Yap, sinabing mas pinipili nila ni Flow G. na laging ayusin ang problema

Sobrang Matured nung sagot nya, inantok na ako. hindi pa sya kunsintidor sa lagay na yan ha? At matured na matured na sya sa lagay na yan, e sya itong patama ng patama at parinig ng parinig sa social media sa mga nanahimik na tao.
Good tactic yan. Playsafe pag agressive ang kalaban and act mature kuno. D tatalab yan sa Apoy na ibabalik ko sainyo bukas. PS: Ayoko maging ninong. Big Pass.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kanyang nilabas na video ay diretsahang binanggit ni Pastillas Girl si MG kaugnay sa sinabi nito na kunsintidor umano silang kaibigan kay Skusta Clee.

Si Mark Jayson Warnakulahew o mas kilala sa tawag na Makagago ay isang content creator na unang sumikat sa kanyang mga diss videos. Sa kasalukuyan ay mayroon na siyang mahigit 2.7 million subscribers sa kanyang YouTube channel na Makagago Wazzup Man.

Read also

Ion Perez, nakaranas ng wardrobe malfunction dahil sa todo-bigay niyang performance

Kamakailan lang nang ilabas niya ang isang video kung saan inalmahan niya ang umano'y pagkukunsinti ng kaibigan ni Skusta Clee sa ginawa nitong pag-iwan sa kanyang mag-ina. Hindi nito pinalampas ang nilabas na TikTok video ni Angelica Yap kung saan sinasabi niyang hindi siya kinakabahan.

Si Zeinab Harake umano ang piniling damayan ni Makagago laban kay Skusta Clee at sa mga kaibigan nitong "kunsintidor" umano. Sa kanyang nilabas na video ay binahagi niya ang screenshot ng umano't patunay ng pagkakaroon ng ibang "chicks" ni Flow G.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel