Bugoy Cariño, ibinahagi ang litrato ng anak nila ng volleyball star player na si EJ Laure

Bugoy Cariño, ibinahagi ang litrato ng anak nila ng volleyball star player na si EJ Laure

- Sa kauna-unahang pagkakataon ay ibinahagi ni Bugoy Cariño ang litrato ng kanyang anak

- Sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan ay ibinahagi ni Bugoy ang kanyang pasasalamat kay Ej dahil sa suporta nito sa kanya

- Kasabay nito, sinabi niyang pagsisikapan niyang itaguyod ang kanyang pamilya na mahal na mahal niya

- Si Bugoy ay unang nakilala bilang grand winner ng 'Star Circle Kid Quest' at naging bahagi din ng 'Goin' Bulilit'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan, buong pagmamalaking ibinahagi ng dating Hashtags member na si Bugoy Cariño ang litrato ng anak nila ng volleyball star player na si EJ Laure.

Ito ang unang pagkakataon na isinapubliko ni Bugoy ang tungkol sa pagkakaroon niya ng anak.

Matatandaang lumabas ang balita tungkol sa umano'y pagdadalangtao ni EJ noong taong 2018. Kasabay ng paglabas ng mga bali-balita, pansamantalang natigil sa paglalaro ang volleyball star player dahil sa kanyang injury.

Bugoy Cariño, ibinahagi ang litrato ng anak nila ng volleyball star player na si EJ Laure

Photo from Bugoy Cariño's Instagram account
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Bugoy naman ay natanggal sa It's Showtime bilang bahagi ng all male group na Hashtags. Gayunpaman, pinabulaanan ni Bugoy ang tungkol sa isyu ng pagbubuntis ni EJ sa isang panayam sa Rider PH Studios.

Ang dahilan umano ng kanyang pagkawala sa noontime show ay dahil sa pagiging busy niya sa pagawa ng pelikula.

Sa kanyang kaarawan nitong Huwebes, September 3, ibinahagi ni Bugoy ang kanyang pasasalamat sa biyayang natanggap. Aniya ay pagsisikapan niyang itaguyod ang kanyang pamilyang mahal na mahal niya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"HAPPY BIRTHDAY TO ME!! Happy to have a family na mahal na mahal ako. Pagsisikapan ko pong itaguyod ang blessing na ito. Thank you for your unending support and I love you both, Mommy EJ and Baby Scarlet!! ani Bugoy.

Bumuhos ang pagbati para sa aktor, hindi lamang para sa kanyang kaarawan kundi sa kanyang pagiging ama.

Si Bugor Cariño ay unang nakilala bilang grand winner ng Star Circle Kid Quest at naging bahagi din ng Goin' Bulilit. Naging miyembro din siya ng all-male group na Hashtags. Si EJ Laure naman ay isa sa pinakasikat na volleyball player ng University of Sto Tomas golden tigresses.

Matatandaang nagsalita din si EJ tungkol sa lumabas na balita tungkol sa umano'y pagbubuntis niya.

Hindi naman itinago nina Bugoy at EJ ang kanilang relasyon sa publiko sa kabila ng agwat ng kanilang edad. Sa katunayan, nag-viral ang isang video ng magkasintahan kung saan kinakantahan ni Bugoy si EJ.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel