Melai Cantiveros at kanyang mag-aama, kinaaliwan sa bago nilang vlog

Melai Cantiveros at kanyang mag-aama, kinaaliwan sa bago nilang vlog

- Kinaaliwan ang video ng pamilyang Francisco na kuha sa birthday celebration ni Jason Francisco

- Marami ang naaliw sa mga bibo ngunit mababait na mga anak ng mag-asawa ng kamakailan ay sumikat din dahil sa kanilang nakakaaliw na reaksiyon

- May mga inihandang sulat ang magkapatid para sa kanilang ama na kanilang tinatawag na Papa Ji-soon

- Hindi naman maitago ni Jason ang tuwa sa pagmahahal na pinapakita ng kanyang mag-iina sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Melai Cantiveros ang video ng kanilang naging pagdiriwang sa kaarawan ni Jason Francisco. Kinaaliwan ng netizens ang mga bibo ngunit mababait na mga anak nilang sina Mela at Stela Francisco.

Melai Cantiveros at kanyang mag-aama, kinaaliwan sa bago nilang vlog
Melai Cantiveros at kanyang mag-aama, kinaaliwan sa bago nilang vlog (@mrandmrsfrancisco)
Source: Instagram

Dahil hindi umano dumating ang inaasahan nilang bisita, silang mag-anak lamang ang nagdiwang ng kaarawan ni Jason.

Simple man ang kanilang naging celebration, hindi maipagkaila sa mukha ni Jason ang tuwa sa pagiging malambing at mapagmahal ng kanyang mga anak. Marami din ang bumilib sa paraan ng pagpapalaki ng mag-asawa sa kanilang mga anak na maka-Diyos din.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

You can tell God is the center of their family❤ kahanga-hanga. Kakatuwa ang kakultan ni Mela and si Stella is very sweet
Melai and Jason are doing such an AMAZING job raising their children. They’re full of love and respect.
Ang lambing ni Jason sa 2 daughter niya makikita mo na talagang hands-on sila ni Melai and pinalaki nila na maayos yung dalawa

Unang nakilala sa mundo ng showbiz si Melai Cantiveros nang hirangin siyang big winner ng Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Dito niya rin nakilala ang kanyang mister sa tunay na buhay na si Jayson Francisco. Sila ay nabiyayaan ng dalawang anak.

Isang mensahe ang binahagi kamakailan ni Melai kaugnay sa pagpanaw ng kanyang tiyuhin. Ang kanyang Uncle Joy umano ang pinakapaborito niyang uncle at hambambuhay niyang alalahanin ang kabutihan ng kanyang tiyuhin sa kanya. Aniya, masakit para sa kanya ang pagpanaw ng tiyuhin. Alam niyang hindi magiging madali sa kanya lalo at lagi umano siyang pumuounta sa bahay ng tiyuhin niya tuwing uuwi siya sa kanilang probinsiya.

Samantala, ang mensahe ni Melai para sa kaarawan ng mister na si Jason Francisco ay kanyang binahagi sa kanyang social media account. Marami sa mga followers ng mag-asawa ang natuwa sa mensahe niya kung saan pabiro niyang inilarawan ang mister bilang kanyang "Best Enemy." Agad naman niya itong binawi at sinabing isang mabuting ama si Jason sa kanilang mga anak. Aniya, palagi lang silang mag-iinang nasa tabi ni Jason anuman ang mangyari.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel