Angelica Panganiban, pinasilip ang buhay nila ni Greg Homan bilang first-time parents

Angelica Panganiban, pinasilip ang buhay nila ni Greg Homan bilang first-time parents

- Pinasilip ni Angelica Panganiban sa kanyang bagong YouTube video ang kanilang buhay ni Greg Homan bilang first-time parents sa anak na si Amila Sabine Homan

- Habang inaalagaan ni Angelica ang anak pagkagising nito ay nagluluto naman ng kanilang pagkain si Greg

- Marami ang humanga sa kanila dahil magkatuwang nilang inaalagaan ang anak at sila din ang gumagawa ng gawaing bahay

- Matatandaang kamakailan lang ay pinakita ni Angelica sa publiko ang mukha ni Baby Amila na tinatawag din nilang Baby Bean

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hands-on parents sina Angelica Panganiban at partner niyang si Greg Homan sa pag-aalaga sa kanilang anak na si Amila Sabine Homan. Sa bagong vlog episode nila, marami ang humanga dahil magkatuwang nilang inaalagaan ang anak at sila din ang gumagawa ng gawaing bahay.

Angelica Panganiban, pinasilip ang buhay nila ni Greg Homan bilang first-time parents
Angelica Panganiban, pinasilip ang buhay nila ni Greg Homan bilang first-time parents (@iamangelicap)
Source: Instagram

Salitan sila sa pag-aalaga sa kanilang anak at parehas din silang gumagawa ng mga gawaing bahay. Kahit may kakahayan silang magpasahod ng kasambahay ay magkatuwang nilang ginagawa ang mga gawain kaya marami ang natuwa sa kanila.

Read also

Anak ni Karen delos Reyes, marunong na sa basic Algebra sa edad na 4 taon

Bihira ka makakakita ng pinoy na may kaya sa buhay na completely hands on sa lahat. From bahay to baby to laundry to dishes.. lalo artista. Mostly talaga may helper.
Ang galing nyo talaga walang yaya walang katulong how to be you Miss Angel

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

I know how hard it is to take care of a newborn. Lalo na kung wala kang kasambahay. Thumbs up to Angelica and Greg

Si Angelica Panganiban ay isang aktres sa telebisyon at pelikula. Nakilala sa siya sa kanyang husay sa pag-arte at pagpapatawa. Sa kanyang murang edad na anim na taong gulang, sumabak si Angelica sa pag-arte at naging bahagi ng youth-oriented show na Ang TV.

Naibahagi ni Angelica ang kanyang mga na-block na numbers dahil sa spam messages at fake job offers na natanggap. Napatanong siya tungkol dito kung madami pa rin ba ang mga spam texts kung bago ang gagamitin mong sim card. Dahil sa kanyang tweet ay marami ang nagbahagi ng kanilang karanasan kaugnay sa pagkakatanggap ng spam messages. Mayroong nagsasabing kahit bago ang sim card ay nakakatanggap pa rin ng maraming text messages mula sa mga di kilalang number.

Read also

Candy Pangilinan, pinakita ang video ng 19th birthday celebration ni Quentin

Sa kanyang vlog noong hindi pa siya nanganganak, humiling si Angelica sa kanyang boyfriend na si Gregg na i-foot massage umano siya nito sa unang araw mismo ng kanyang susunod na pagbubuntis. Ani Gregg, matagal pa naman iyon pero aniya ay okay naman sa kanya na gawin iyon para kay Angge. Mapapanood ito sa The Homans – ang YouTube channel nila ni Gregg kung saan gumawa siya ng Banana Bread Ice Cream. Nakatakdang manganak si Angelica sa unang baby nila ni Gregg na isang baby girl.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel