Anak ni Karen delos Reyes, marunong na sa basic Algebra sa edad na 4 taon

Anak ni Karen delos Reyes, marunong na sa basic Algebra sa edad na 4 taon

- Binahagi ni Karen delos Reyes ang isang video ng anak niyang si Gabriel Lucas na nagso-solve ng isang basic algebra problem

- Sa murang edad nito na apat na taon ay kayang-kaya nitong sagutan ang simpleng Algebra problem kaya marami ang napabilib sa bibong anak ni Karen

- Hindi ito ang unang pagkakataon na kinabiliban ang angking husay at talino ni Lucas dahil malimit ay naibabahagi ni Karen ang videos ng anak

- Samantala, ngayong araw ay nag-post din si Karen ng kanyang pagbati sa ika-5 kaarawan ni Lucas

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinabiliban ang anak ni Karen delos Reyes na si Lucas Gabriel sa husay at talino nito. Sa kanyang murang edad ay marunong na ito sa basic Algebra.

Anak ni Karen delos Reyes, marunong na sa Algebra sa edad na 4 taon
Anak ni Karen delos Reyes, marunong na sa Algebra sa edad na 4 taon (@karen_delosreyes)
Source: Instagram

Sa binahaging video ni Karen ay makikita si Lucas na nagsasagot ng isang Algebra problem. Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

Read also

Candy Pangilinan, pinakita ang video ng 19th birthday celebration ni Quentin

Grabe ka! Galing Galing mo!
Ay grabe, kainis kang bata ka! intelehente. Kaka-proud pag ganyan ang baby, bata palang nakikitaan na ng talento at karunungan, galing!

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

OMG pang-high school na yan baby Gabby. Napakagenius talaga ng baby na to.

Si Karen delos Reyeay nakilala sa mundo ng showbiz bilang isang actress at comedian sa GMA Network. Una siyang sumikat dahil sa isang patalastas ng isang fastfood chain kung saan gumanap siya bilang si Karen na apo ng isang lolo na nag-uuliyanin na. Kinalaunan ay nakasama siya sa Click. Siya rin ang gumanap na Savanna sa seryeng Mulawin na pinagbidahan nina Angel .

Naging usap-usapan ang pagkamatay ng gumanap na lolo ni Karen sa patalastas kung saan una siyang nakilala. Maging ang mga netizens ay nalungkot dahil tumatak sa marami ang naturang patalastas. Kadalasan sa kanyang naibabahagi sa kanyang social media account sa kasalukuyan ay tungkol sa kanyang anak na si Lucas.

Read also

Barbie Forteza, pinasalamatan ang mga tumatangkilik sa 'Maria Clara at Ibarra'

Matatandaang marami ang bumilib at namangha sa angking talino at husay ng anak ni Gabriel Lucas sa mga nauna nang naibahagi ni Karen sa kanyang social media. Sa mga video na ibinahagi ng aktres, makikita ang husay nito lalo na sa numbers sa kabila ng murang edad nito. Bukod sa 3 digit addition, marunong din magbasa ng malalaking numbers ang kanyang unico hijo. Taong 2017 nang ipinanganak ni Karen si Lucas.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel