Netizens, nalungkot sa pagkamatay ng 'lolo ni Karen' sa 90's Mc Donald's ad

Netizens, nalungkot sa pagkamatay ng 'lolo ni Karen' sa 90's Mc Donald's ad

- Pumanaw na si 'lolo' sa sikat na 90's Mc Donald's ad

- Kinumpirma mismo ito ni Karen Delos Reyes sa kanyang instagram post

- Maging ang mga 'batang 90's' na kilalang kilala si lolo Rudy Francisco ay nalulungkot din sa pagpanaw nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mismong si Karen delos Reyes ang nagkumpirma na pumanaw niya ang kanyang "lolo' sa sikat na TV ad ng Mc Donald's commercial.

Sa kanyang instagram post, binahagi muli ni Karen ang popular na commercial nila ni Lolo Rudy Francisco.

Maalalang emosyonal ang ad na iyong kung saan di na mamukhaan ng lolo ang po na kasama niya. Inakala niyang ang apong si "Gina" ang kanyang kasama sa Mc Do.

Makikita pa sa mukha ni Karen na tila nagtampo siya ng bahagya dahil di na siya kilala ng lolo.

Hanggang sa hinati ng lolo ang burger na kanya dapat kakainin at sinabing para raw sa paborito niyang apong si "Karen".

Narito ang TV ad na binahagi rin mismo ni Karen.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Mabilis na tumatak ito sa mga puso ng Pinoy noong 90's dahil sa nakakaantig nitong konsepto kaya naman ngayong pumanaw na si lolo Rudy ay nakaramdam din sila ng kalungkutan.

May caption na "Sad day today, Rest in Peace Lolo Rudy Francisco.My deepest condolences to you and your family" ang post ni Karen.

Samantala, marami ang mga nagbahagi na di raw talaga nila malilimutan ang ad na ito na umantig sa puso nating mga Pinoy.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Fav commercial rest in peace lolo"
"One of my favorite tv commercials. Condolence"
"Pinakabest commercial ng Mcdo"
"Rest In Peace Lolo, Your commercial is timeless!"
"Etoh yung commercial na tumatak sa lahat, rest in peace lolo"
"This is a well thought advertisement, truly remarkable"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marissa Tanael, the incredibly strong woman, who found out she has breast cancer while working in Saudi Arabia, tells her story: how she learned about the disease and how she received help from her employer.

Feature: Sick OFW Gets Unexpected Help From Employer | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Plastic bottles, pinapalit sa mga school supplies sa isang barangay sa Laguna

Plastic bottles, pinapalit sa mga school supplies sa isang barangay sa Laguna

Plastic bottles, pinapalit sa mga school supplies sa isang barangay sa Laguna
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel