Barbie Forteza, pinasalamatan ang mga tumatangkilik sa 'Maria Clara at Ibarra'

Barbie Forteza, pinasalamatan ang mga tumatangkilik sa 'Maria Clara at Ibarra'

- Taos-pusong pinasalamatan ni Barbie Forteza ang mga tumatangkilik sa serye nilang 'Maria Clara at Ibarra'

- Kabilang na rito si Ogie Diaz na nagbigay ng magagandang salita sa teleseryeng pinagbibidahan ni Barbie

- Ayon kay Barbie, hindi inaasahan ng mga bumubuo ng teleserye na ganoon na lamang ang kainit ang pagtanggap ng publiko sa kanilang proyekto

- Kasama rin sa naturang serye sina Dennis Trillo, Julia Anne San Jose, Manilyn Reynes, Tirso Cruz III at marami pang iba

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Labis na nagpasalamat ni Barbie Forteza sa dami ng mga taong tumatangkilik sa bago nilang serye, ang 'Maria Clara at Ibarra.'

Barbie Forteza, pinasalamatan ang mga tumatangkilik sa 'Maria Clara at Ibarra'
Barbie Forteza (@barbaraforteza)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isa sa mga pinasalamatan niya ay ang kilalang showbiz reporter na si Ogie Diaz.

Matatandaang minsan nang nagbigay puri si Ogie sa husay ng pag-arte ni Barbie na naging rason upang panoorin niya ang naturang serye.

Read also

Wil Dasovich, tinanghal na panalo sa World Vlog Challenge

"Una po salahat gusto ko pong magpasalamat sa inyo sa napakagandang reviews niyo po sa amin at sa programa namin, maraming maraming salamat po," bungad ni Barbie.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Aminado siyang hindi makapaniwala sa mga papuring natatanggap nila lalo at hindi rin nila inaasahan ang labis ng pagtangkilik ng publiko sa kanyang serye.

"Hindi po namin inaasahan na ganito kainit ang pagtanggap sa amin ng audience... Lahat nasa cloud 9 ngayon to receive such feedbacks," ayon pa kay Barbie.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel na Showbiz Now Na!:

Si Ogie Diaz o 'Roger Diaz Pandaan' sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at kilalang showbiz reporter.

Pinakakaabangan ng maraming netizens ang mga video sa kanyang mga YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates".

Read also

Vice Ganda, sinubukang maging PA ni Regine Velasquez para sa kanyang vlog

Sa bagong episode ng Ogie Diaz Showbiz Updates, nabanggit niyang napanood na niya ang ilang episodes ng pinag-uusapan serye ang Maria Clara.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel