Wil Dasovich, tinanghal na panalo sa World Vlog Challenge

Wil Dasovich, tinanghal na panalo sa World Vlog Challenge

- Tinanghal si Wil Dasovich na panalo sa ginanap na World Vlog Challenge na ginanap sa (Khumbu Glaciers) Mt. Everest Base Camp

- Sa kanyang acceptance speech ay nabanggit ni Wil ang tungkol sa hirap na pinagdaanan niya noong panahong ginawa ang challenge

- Isa lamang si Wil sa sampung content creator na napili sa iba't-ibang bahagi ng mundo

- Matatandaang ito ay kasagsagan ng paglabas ng balitang naghiwalay na sila ng dati niyang karelasyon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nanalo si Wil Dasovich sa ginanap na World Vlog Challenge na ginanap sa (Khumbu Glaciers) Mt. Everest Base Camp. Matatandaang isa lamang si Wil sa sampung content creator mula sa iba't-ibang bahagi ng mundo.

Wil Dasovich, tinanghal na panalo sa World Vlog Challenge
Wil Dasovich, tinanghal na panalo sa World Vlog Challenge (@wil_dasovich
Source: Instagram

Sa kanyang acceptance speech, sinabi niyang hindi madaling gumawa ng content na informative at entertaining. Mahigit isang buwan umano niyang ginawa ang kanyang video para sa naturang challenge.

Read also

Maggie Wilson, nag-post tungkol sa pagbubuntis ng di pinangalanang babae

Aniya, lahat sila ay halos maraming pinagdadaanan noong panahong iyon. Siya ay may personal na pinagdadaanan din umano noong mga panahong iyon.

Pinasalamatan niya din ang mga taong sumuporta sa kanya kabilang na ang pamilya niya at mga taong nagmahal sa kanya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Wil Dasovich ay isang Filipino-American television personality, model, at vlogger. Nakilala siyang isa sa pinakaunang gumagawa ng YouTube video at naging bahagi siya ng Pinoy Big Brother.

Sa kanyang naunang ibinahaging video, nagkita nang personal sina Wil at Nuseir Yassin o mas kilala bilang si Nas Daily. Ito ang kanilang unang pagkikita matapos ang kontrobersiyal na podcast ni Nas kamakailan kung saan tinawag niyang dormant news channel si Wil. Sa kanilang pag-uusap, nilinaw ni Nas na simpleng pag-uusap lamang nila iyon at ikinagulat niya ang naging reaksiyon ng publiko kaugnay sa kanilang pag-uusap. Nilinaw din ni Wil na sadyang ganoon lamang ang kanilang biruan.

Samantala, binahagi ni Wil ang video ng kanyang pagpapakilala sa rumored gf niyang si Carla Humphries sa kanyang pamilya. Nauna na niyang naipakilala si Carla sa kanyang kapatid na si Haley Dasovich at base sa kanyang reaksiyon ay masaya ito na makilala si Carla. Ayon kay Carla, kahit unang beses pa lang niyang nakita sa personal ang pamilya ni Wil ay pakiramdam umano niya na matagal na silang magkakakilala. Masaya namang tinanggap ng mga magulang ni Wil si Carla na nakita umano nila sa mga naunang vlog ng anak

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel