Wil Dasovich, naglabas ng bagong vlog na pinamagatan niyang "Conclusion"

Wil Dasovich, naglabas ng bagong vlog na pinamagatan niyang "Conclusion"

- Binahagi ni Wil Dasovich ang isang video sa kanyang YouTube channel kasunod ng paglabas ng engagement video ni Alodia Gosiengfiao

- Makikita sa isang bahagi ng kanyang video na nakatingin siya sa kanyang tuhod na may nakalagay na adhesive bandage

- Sa huling bahagi naman ng video ay tinanggal niya ito at makikitang walang sugat sa bahagi ng tuhod niyang tinanggalan niya ng bandage

- Para sa kanyang mga viewers, ang mensaheng pinakita ni Wil sa kanyang video ay magaling na siya at wala nang sugat

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbahagi si Wil Dasovich ng isang video kasunod ng paglabas ng engagement video ni Alodia Gosiengfiao. Para sa ilan sa kanyang mga viewers, ang mensaheng pinakita ni Wil sa kanyang video ay magaling na siya at wala nang sugat.

Wil Dasovich, naglabas ng bagong vlog na pinamagatan niyang "Conclusion"
Wil Dasovich, naglabas ng bagong vlog na pinamagatan niyang "Conclusion" (@wil_dasovich)
Source: Instagram

Pinakita niya ang huling araw niya sa California kung saan namalagi siya nang tatlong buwan. Aniya, pabalik na siya sa Manila.

Read also

Andi Eigenmann, kinabiliban sa pagiging hands-on sa kanilang snack bar

Last day in Cali. This supposed to be 1 month stay turned into a 3 month incredible time. Back to MNL and back to business. It's never goodbye, it's only see you later!

Narito naman ang komento ng ilan sa kanyang mga viewers:

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Wil this is a great way to tell a story. I’m so glad you’ve finally healed I love the long term story telling and that band-aid at the end is the icing on the cake
I love the montage...most of all, I love the bandaid symbol, magaling na si Wil. Madz frame before pulling the plaster out
This was one of the best series ever! Loved every second of every vlog. The story telling is just *chef's kiss*! Watching you rip off the band-aid at the end, your wound fully healed is so satisfying. Looking forward to more of your adventures, Wil!

Read also

Lolit Solis, sinabing nataranta ang pamilya ni Bong Revilla sa pagkakasakit niya

Si Wil Dasovich ay isang Filipino-American television personality, model, at vlogger. Nakilala siyang isa sa pinakaunang gumagawa ng YouTube video at naging bahagi siya ng Pinoy Big Brother.

Sa kanyang naunang ibinahaging video, nagkita nang personal sina Wil at Nuseir Yassin o mas kilala bilang si Nas Daily. Ito ang kanilang unang pagkikita matapos ang kontrobersiyal na podcast ni Nas kamakailan kung saan tinawag niyang dormant news channel si Wil. Sa kanilang pag-uusap, nilinaw ni Nas na simpleng pag-uusap lamang nila iyon at ikinagulat niya ang naging reaksiyon ng publiko kaugnay sa kanilang pag-uusap. Nilinaw din ni Wil na sadyang ganoon lamang ang kanilang biruan.

Samantala, binahagi ni Wil ang video ng kanyang pagpapakilala sa rumored gf niyang si Carla Humphries sa kanyang pamilya. Nauna na niyang naipakilala si Carla sa kanyang kapatid na si Haley Dasovich at base sa kanyang reaksiyon ay masaya ito na makilala si Carla. Ayon kay Carla, kahit unang beses pa lang niyang nakita sa personal ang pamilya ni Wil ay pakiramdam umano niya na matagal na silang magkakakilala. Masaya namang tinanggap ng mga magulang ni Wil si Carla na nakita umano nila sa mga naunang vlog ng anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel