Wil Dasovich, pinakilala ang kanyang rumored gf na si Carla Humphries sa mga magulang

Wil Dasovich, pinakilala ang kanyang rumored gf na si Carla Humphries sa mga magulang

- Binahagi ni Wil Dasovich ang kanyang pagpapakilala sa rumored gf niyang si Carla Humphries sa kanyang pamilya

- Nauna na niyang naipakilala si Carla sa kanyang kapatid na si Haley Dasovich at base sa kanyang reaksiyon ay masaya ito na makilala si Carla

- Ayon kay Carla, kahit unang beses pa lang niyang nakita sa personal ang pamilya ni Wil ay pakiramdam umano niya na matagal na silang magkakakilala

- Masaya namang tinanggap ng mga magulang ni Wil si Carla na nakita umano nila sa mga naunang vlog ng anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinakilala na ni Wil Dasovich ang rumored gf niyang si Carla Humphries sa kanyang mga magulang. Sa kanyang bagong video ay pinakita niya ang naging reaksiyon ng mga magulang niya nang dalhin niya si Carla sa bahay nila.

Wil Dasovich, ibinida ang picture nila ni Carla Humphries
Wil Dasovich (@wil_dasovich)
Source: Instagram

Nauna na niyang naipakilala si Carla sa kanyang kapatid na si Haley Dasovich at base sa kanyang reaksiyon ay masaya ito na makilala si Carla.

Read also

Erika Poturnak, nagbahagi ng TikTok video matapos magpabawas ng dibdib

Inamin naman ni Carla na kinakabahan siya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“I’m actually so nervous na pupunta ako sa bahay niyo. Bakit mo ba naisip na i-invite ako?

Sagot naman ni Wil ay "para masaya" umano.

Ayon kay Carla, kahit unang beses pa lang niyang nakita sa personal ang pamilya ni Wil ay pakiramdam umano niya na matagal na silang magkakakilala.

Si Wil Dasovich ay isang Filipino-American television personality, model, at vlogger. Nakilala siyang isa sa pinakaunang gumagawa ng YouTube video at naging bahagi siya ng Pinoy Big Brother.

Ang kanyang dating karelasyon na si Alodia Gosiengfiao ay nakilala bilang isa sa pinakasikat na cosplayer sa bansa. Isa din siyang game streamer at vlogger. Naging usap-usapan ang pagpunta ni Alodia sa US noong nagkasakit si Wil Dasovich at nagpapagaling sa cancer. Matagumpay din si Alodia sa larangan ng kanyang negosyo. Isa siya sa may-ari ng Tier 1 Entertainment, isang e-sports entertainment company.

Read also

Maggie Wilson, binahagi ang audio recording ng umano'y pakikipag-usap sa Meralco

Matatandaang nagpadisenyo pa ng kanilang bahay sina Wil at Alodia sa sikat na vlogger at architect na si Oliver Austria. Sabay nilang pinanood ang unang bahagi ng virtual tour sa dinesenyong bahay. Gayunpaman, mag-isa na lamang si Wil sa pagreact sa ikalawang bahagi ng Mantsong video.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel