Erika Poturnak, nagbahagi ng TikTok video matapos magpabawas ng dibdib

Erika Poturnak, nagbahagi ng TikTok video matapos magpabawas ng dibdib

- Binahagi ni Erika Rae Poturnak ang TikTok video kung saan kasama niya ang kapatid na si Minka

- Ito ang kanyang unang TikTok video matapos niyang isapubliko ang tungkol sa kanyang pagpapabas ng dibdib

- Marami naman ang naghayag ng kanilang suporta sa naging desisyon ng anak ni Ina Raymundo

- Si Erika ang iniuugnay sa anak ni Benjie Paras na si Kobe Paras na kamakailan ay kasama niya sa Bali, Indonesia

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Base sa binahaging TikTok video ni Erika Rae Poturnak, makikitang masaya siyang nakipagkulitan sa kapatid. Ito ang kanyang unang TikTok video matapos niyang isapubliko ang tungkol sa kanyang pagpapabas ng dibdib.

Erika Poturnak, nagbahagi ng TikTok video matapos magpabawas ng dibdib
Erika Poturnak, nagbahagi ng TikTok video matapos magpabawas ng dibdib (@erikarae.p)
Source: Instagram

Sa kanyang naunang video ay sinabi ni Erika na "best decision" na nagawa niya sa buhay niya ang pagpapabawas ng dibdib. Ito ang kanyang naging tugon sa komento ng isang netizen sa kanyang video.

Read also

Maggie Wilson, binahagi ang audio recording ng umano'y pakikipag-usap sa Meralco

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Marami naman ang naghayag ng kanilang suporta sa naging desisyon ng anak ni Ina Raymundo lalo na kung makakapagpadali umano ito ng kanyang buhay. Narito ang ilan sa komento ng netizens:

No more back pains!! Love it
Wow! Congrats girl! I always wondered what it was like to get mine done.
Omg u finally did iiiit been seeing you posting that u want to do it congrats!

Si Erika Rae Poturnak ay anak ni Si Rina Marie Padilla Raymundo, o mas kilala sa kanyang screen name na Ina Raymundo. Siya ay isang Pinay actress na nakilala sa kanyang pagganap sa mga pelikula at serye. Bukod sa pagiging aktres, isa din siyang commercial model at singer. Sumikat din siya sa TV ad ng San Miguel Beer noong 1995.

Read also

Pokwang sa hiwalayan nila ni Lee O'Brian; "We're friends"

Ibinahagi ni Ina ang picture nila ng kanyang nag-iisang anak na lalaki. Kalakip nito ay ang baby picture ng anak na kasalukuyang mas matangkad na sa kanya. Ani Ina, mukha lang niyang "kuya" ang anak dahil mas matangkad pa ito sa kanya. Marami naman ang nakapansin sa artistahing anak ni Ina.

Matapos maging isap-usapan ang tungkol sa napapabalitang relasyon ni Kobe Paras at Erika, ayon kay Benjie Paras ay mas maiging hindi siya magkokomento kaugnay sa love life ng anak. Aniya, hindi siya nakikialam sa personal na buhay ng anak dahil alam niyang nasa tamang edad na umano ito. Aniya, tiwala siyang alam na ng anak na gumawa ng tamang desisyon para sa kanyang sarili.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel