Dream house nina Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao, dinisenyo ni Oliver Austria
- Sa YouTube channel ng architect at content creator na si Oliver Austria, pinakita niya ang unang bahagi ng disenyo ng dream house ng magkasintahang Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao
- Matatandaang sa isang vlog ni Wil ay naipakita niya ang kanilang naging pag-uusap kung saan sinabi ng magkasintahan ang kanilang mga gusto sa kanilang ipapagawang bahay
- Maging si Wil ay napakomento at na-excite sa pinakitang disenyo ng architect
- Maging ang mga netizens ay napa-"wow" sa ganda ng disenyo ng bahay na tinawag niyang Mantsong
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Marami ang humanga sa ganda ng dinesenyong bahay ng architect at content creator na si Oliver Austria na aniya ay ang bahay na ipinadesenyo sa kanya ng magkasintahang Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao.
Matatandaang sa isang vlog ni Wil ay naipakita niya ang kanilang naging pag-uusap kung saan sinabi ng magkasintahan ang kanilang mga gusto sa kanilang ipapagawang bahay. Maging si Wil ay napakomento at na-excite sa pinakitang disenyo ng architect.
OMGGGG GRABEH!! Can’t wait for the part 2 na! Winner yung Cat house talaga
May nakatakda pang ilabas na part 2 si Oliver at marami sa kanyang mga subscribers ang na-excite matapos niyang ipakita ang unang bahagi.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
As in WoW. Best design and concept so far for me, sa mga nagawa ni Oliver. Sabi n eh, medyo lang hahawig sa Iron man house. but with more openess. Love it.
Grabe sobrang high-end ng design, Arki!!! Been watching you since 10th Grade. Ngayong Arki student na rin ako, mas lalo kog na-appreciate kung gaano ka-detailed and well-planned itong design, AS IN IBANG LEVEL SUPERPOWERS MO ARKI!! More power to you, Boss Llyan!
Omy the mantsong is already a masterpiece salute to you Architect Oliver at a very young age you are considered to be a knowledgeable, reliable and talented on your craft which is Architecture you’ll go a long way my dude
Matatandaang nanalo si Wil Dasovich sa isang international vlog fest nito lamang Hulyo. Naging usap-usapan din ang kanyang condo na kanyang ibinahagi sa kanyang vlog.
Nais ipaalala ng KAMI na anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malaya tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita dahil maari itong panagutan sa batas. Laging isaisip, "Think before you click."
Source: KAMI.com.gh