Maggie Wilson, sinabihan ang stalkers niya na wala siya sa bahay niya sa Manila

Maggie Wilson, sinabihan ang stalkers niya na wala siya sa bahay niya sa Manila

- Pasabog ang post ni Maggie Wilson sa kanyang Instagram Stories kaugnay sa umano'y stalker niya

- Sinabihan niya ang mga ito na wala siya sa kanyang bahay sa Manila at tigilan na ang pagpicture sa kanyang bahay

- Aniya, huwag silang mabahala dahil malalaman nila kapag nakauwi na siya

- Nabanggit din niya ang tungkol sa aniya ay feeling big boy sa Manila ngunit sa ibang panig ng mundo ay isang nobody

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinabihan ni Maggie Wilson ang aniya'y kanyang stalker na wala siya sa kanyang bahay sa Manila at tigilan na ang pagpicture sa kanyang bahay. Aniya, huwag silang mag-alala dahil malalaman nila kapag nakauwi na siya.

Maggie Wilson, sinabihan ang stalkers niya na wala siya sa bahay niya sa Manila
Maggie Wilson, sinabihan ang stalkers niya na wala siya sa bahay niya sa Manila (@wilsonmaggie)
Source: Instagram
To the maritess security guards, private investigators and people staking and trying to take photos of my house in Manila.. I'm not there. Don't worry, when I come back you'll know. You'll hear my louboutins hit the ground and the devil himself will shake in his boots.

Read also

Lian Paz, naiyak sa napanood na music video tungkol sa pagiging single parent

Nabanggit din niya ang tungkol sa aniya ay feeling big boy sa Manila ngunit sa ibang panig ng mundo ay isang nobody.

He may feel like a big boy in Manila but in the rest of the world you're nobody.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Maggie Wilson, sinabihan ang stalkers niya na wala siya sa bahay niya sa Manila
Maggie Wilson, sinabihan ang stalkers niya na wala siya sa bahay niya sa Manila (@wilsonmaggie)
Source: Instagram

Si Maggie Wilson ay nakilala bilang isang TV Actress at beauty queen, model at entrepreneur. Hinirang siya bilang Binibining Pilipinas-World at naging kinatawan ng bansa sa 57th Miss World Pageant. Gumanap din siya bilang Litgarda sa seryeng Darna. Ikinasal siya sa real estate titan na si Victor B. Consunji at nabiyayaan sila ng isang anak na pinangalanan nilang si Conor.

Sa kanyang Instagram stories, inilabas na Maggie ang screenshot ng conversation niya sa photo studio na kumuha ng mga pictures sa birthday celebration ng kanyang anak na si Conor. Makikita sa kanilang pag-uusap na nakatakda na sanang i-send ng studio ang mga kopya ng mga pictures kay Maggie. Gayunpaman, inihingi ng dispensa ng studio na hindi na nila mapapadala ang pictures dahil pinagbawalan umano sila. Minabuti namang itago ni Maggie ang pangalan ng taong nagpapabawal na i-post o i-send ang mga birthday photos ni Connor.

Read also

Kiray Celis, nakatanggap ng singsing mula sa kanyang boyfriend

Samantala, naglabas ng saloobin si Beth Wilson, ang kapatid ni Maggie kaugnay sa kanyang pinagdaanan. Unti-unti na umano siyang 'drained' physically, mentally at emotionally dahil sa lahat ng nangyari. Hiling niya umano sa Panginoon na sana ay matigil na ang aniya'y nonesense na nagyayari. Si Beth ang isa sa mga taong nasa bahay na sinabi ni Maggie na pinuntahan ng staff ng kanyang dating asawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel