Kiray Celis, nakatanggap ng singsing mula sa kanyang boyfriend

Kiray Celis, nakatanggap ng singsing mula sa kanyang boyfriend

- Pinasalamatan ni Kiray Celis ang boyfriend niyang si Stephan Estopia sa binigay nitong singsing sa kanya

- Sa kanyang Facebook post ay makikita ang picture nilang magkasintahan na kuha sa kanilang pagpunta sa Disneyland sa Tokyo, Japan

- Pinakita din ni Kiray ang natanggap niyang singsing na aniya ay promise ring lamang

- Pinasalamatan din niya ang jewelry shop na aniya'y naging kasabwat ng kanyang boyfriend sa sorpresa nito sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinakita ni Kiray Celis ang natanggap na singsing mula sa kanyang boyfriend na si Stephan Estopia. Gayunpaman, nilinaw niyang promise ring lamang iyon.

Kiray Celis, nakatanggap ng singsing mula sa kanyang boyfriend
Kiray Celis, nakatanggap ng singsing mula sa kanyang boyfriend (@kiraycelis)
Source: Instagram

Sa kanyang post ay pinasalamatan ni Kiray ang boyfriend para sa sorpresa nito sa kanya. Sa kanyang Facebook post ay makikita ang picture nilang magkasintahan na kuha sa kanilang pagpunta sa Disneyland sa Tokyo, Japan.

Read also

McCoy de Leon, inamin na nagkabalikan na sila ni Elisse Joson

The happiest girl in the happiest place on earth. Thank you for loving me @stephan.estopia! Salamat sa singsing!

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Kiray Celis o si Johanna Ismael Celis sa totoong buhay ay isang aktres at komedyanteng unang sumikat sa showbiz matapos niyang manalo sa patimpalak na Muntíng Miss U sa dating noontime show na MTB. Siya ay na-discover sa edad na 4 na taon. Naging isa din siya sa original cast ng "Goin' Bulilit" at ilan pang mga palabas sa ABS-CBN kagaya ng "Mara Clara", "Luv U" at "Growing up".

Matatandaang sa isa sa pinakabagong vlog ni Kiray ay pinakita niya ang pagpapatattoo ng kanyang boyfriend. Kinakiligan ito ng mga netizens at marami sa mga ito ang napa-"sana all." Kamakailan ay minabuti din ni Kiray na linawin ang mga isyu kaugnay sa mga pictures niya kasama ang modelong si Kirst Viray na dati na ring naiugnay sa kanya.

Samantala, sa pagpanaw ng sikat na celebrity stylist at makeup artist na si Fanny Serrano, isa si Kiray sa nagpahayag ng kanyang kalungkutan. Inalala niya kung paano sila nag kakilala ng sikat na stylist na aniya ay pinahanap talaga siya. Ito ay matapos mabalitaan ni Fanny ang tungkol sa pambu-bully umano sa kanyang make-up at nalagay siya bilang isa sa worst dressed sa isang ball. Ani Kiray, iyon ang naging simula ng lahat kaya mami-miss niya ang kanyang Tito Fanny na tinuturing niyang kanyang fairy godmother.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel