McCoy de Leon, inamin na nagkabalikan na sila ni Elisse Joson

McCoy de Leon, inamin na nagkabalikan na sila ni Elisse Joson

- Inamin ni McCoy de Leon na nagkaayos na sila ni Elisse Joson at nagkabalikan na

- Sa panayam sa kanya ni MJ Marfori sinabi niyang bilang tatay ay laging niyang hinahangad na mapasaya sa pamilya

- Kamakailan nga ay nagbahagi si McCoy ng picture nilang mag-anak habang binura niya ang iba pang mga post niya sa Instagram

- Matatandaang mismong si McCoy ang nagkumpirma tungkol sa paghihiwalay nila ni Elisse

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inamin ni McCoy de Leon sa panayam sa kanya ni MJ Marfori na nagkaayos na sila ni Elisse Joson. Kamakailan nga ay nagbahagi si McCoy ng picture nilang mag-anak habang binura niya ang iba pang mga post niya sa Instagram.

McCoy de Leon, inamin na nagkabalikan na sila ni Elisse Joson
McCoy de Leon, inamin na nagkabalikan na sila ni Elisse Joson (@mccoydeleon)
Source: Instagram
“Siguro naman, sa pagiging tatay na parang yun naman laging hinahangad para mapasaya yung pamilya.”

Read also

Pokwang, nagpost tungkol sa aniya'y magkaibang mukha ng narcissist

Hindi na nagbigay si McCoy ng dahilan ngunit aniya ay masaya siya sa kanilang estado sa buhay.

“Siguro hindi ko ma-specific na… Basta yun ang maibibigay ko…Kumbaga, masaya kami kung ano yung estado ko sa buhay."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si McCoy de Leon ay unang nakilala bilang miyembro ng grupong Hashtags ng noontime show na "It's Showtime". Naging bahagi din siya ng isang edisyon ng "Pinoy Big Brother" na naging daan para mas makilala siya at maipareha sa aktres na si Elisse Joson.

Matatandaang pinasalamatan ni McCoy si Elisse sa sorpresa nito sa kanya para sa kanyang kaarawan. Kalakip ng kanyang mga ibinahaging mga litrato ay ang kanyang mensahe para sa ina ng kanyang anak na si Felize. Sa kanyang mga binahaging pictures ay makikita ang kanilang naging pagdiriwang kasama ang iba pa niyang kapamilya at kaanak. Naroroon din ang kanyang mag-inang sina Elisse at Felize na kadalasang laman ng social media post ng aktor.

Read also

Isko Moreno, tinuldukan na umano ang pagpasok sa pulitika: "Retired na ako"

Matapos maging usap-usapan ang cryptic post ni Elisse kaugnay sa aniya'y paghihirap nila ng kanyang anak, nagbahagi din ng mensahe si Mccoy de Leon. Aniya, maya't-maya niya tinitingnan kung maayos ang kalagayan ng kanyang mag-ina. Kagaya ni Elisse, aniya ay wala na din siyang maayos na tulog ngunit aniya sana ay huwag silang sumuko. Dagdag pa ni McCoy, gagawin niya ang lahat para lang masigurong mapasaya at maprotektahan niya ang kanyang mag-ina.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel