McCoy de Leon, gagawin umano ang lahat mapasaya lang ang mag-ina niya

McCoy de Leon, gagawin umano ang lahat mapasaya lang ang mag-ina niya

- Matapos maging usap-usapan ang cryptic post ni Elisse Joson kaugnay sa aniya'y paghihirap nila ng kanyahng anak, nagbahagi din ng mensahe si Mccoy de Leon

- Aniya, maya't-maya niya tinitingnan kung maayos ang kalagayan ng kanyang mag-ina

- Kagaya ni Elisse, aniya ay wala na din siyang maayos na tulog ngunit aniya sana ay huwag silang sumuko

-Dagdag pa ni McCoy, gagawin niya ang lahat para lang masigurong mapasaya at maprotektahan niya ang kanyang mag-ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging usap-usapan ang message ni Elisse Jososn tungkol sa hirap niya bilang isang ina. May mga lumabas na espikulasyon na may pinagdadaanan ang dalawa matapos mag-viral ang pahayag ni Elisse.

McCoy de Leon, gagawin umano ang lahat mapasaya lang ang mag-ina niya
McCoy de Leon at Elisse Joson (@mccoydeleon)
Source: Instagram

Sa isang Facebook post y sinabi din ni McCoy na wla din siyang maayos na tulog. Ito ay dahil maya't-maya niya umano tinitingnan kung maayos ang kalagayan ng kanyang mag-ina.

Read also

Boobay, pinayuhan rin niya umano si Tekla na ipagtanggol ang sarili kay Donita

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Humiling din siya na sana ay huwag silang susuko dahil aniya, gagawin niya ang lahat para lang masigurong mapasaya at maprotektahan niya ang kanyang mag-ina.

Maya’t maya akong nagchecheck para siguraduhin na okay kayo. Wala na rin akong maayos na tulog. Pero sana kahit ganito, hindi tayo susuko dahil gagawin ko ang lahat mapasaya at maprotektahan kayo ni baby.

Bumuhos naman ang suporta para sa dalawa at marami ang umaasanag maayos nila kung anoman angn kanilang problema:

Aww.. ang sweet naman ni Daddy Mccoy! Hope all is well with Elisse and Baby!
Stay strong #McLisse sana maglapasan ninyo kung ano man yung meron sa inyo. Maraming nagmamahal sa inyo we love you mclisse
True, wag susuko. Kasama talaga yan sa buhay pamilya. Stay strong para kay baby Felize

Read also

Ogie Diaz, ipinakita ang ipinaayos niyang bahay ng vlogger couple na sina Rochelle at Alvin

Si McCoy de Leon ay unang nakilala bilang miyembro ng grupong Hashtags ng noontime show na "It's Showtime". Naging bahagi din siya ng isang edisyon ng "Pinoy Big Brother" na naging daan para mas makilala siya at maipareha sa aktres na si Elisse Joson.

Nabuo ang tambalang McLisse nang sumali sila parehas sa Pinoy Big Brother: Lucky 7 noong 2016.

Kaya naman lalong dumami ang mga proyektong ginawa nilang magkasama. Sa katunayan, isang 5-storey building ang napundar ni McCoy. Nagkaroon din siya ng negosyo sa Dapitan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel