McCoy De Leon, nakabili ng 5-storey building at bahay sa Tondo

McCoy De Leon, nakabili ng 5-storey building at bahay sa Tondo

- Ibinahagi ni McCoy De Leon ang kanyang nabiling properties mula sa kanyang kita sap ag-aartista

- Bukod sa isang 5-storey building, nakabili na rin siya ng isang bahay at nakapagpatayo ng negosyo

- Balak pa niyang magdagdag ng negosyo pero mag-iipon pa lang daw uli muna siya

- Ayon pa sa actor, hindi dapat puro sa luho napupunta ang kinikita ng kagaya niyang nagtatrabaho

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni McCoy De Leon na nakabili siya ng bagong property dahil sa pag-iipon niya sa kanyang kinita sa pag-aartista.

“Ngayon ko lang siguro ise-share na parang yung taon ng 2019 despite na ang dami kong natutunan—negative or positive—yung kapalit naman sa akin no’n may nabili na akong building sa likod ng bahay namin," ani MacCoy sa isang panayam ng PUSH sa kanya.

Ibinahagi niya rin na plano niyang iparenovate ang bahay na nabili para gawing building.

“Yung isa namang property na na-acquire ko din ulit sa Tondoa y isang bahay na balang araw gagawin ko ring building. Yung nabili naming bagong bahay siya na luma and sabi ko, ‘Mommy, gawin natin yang building.’ Yung una kasi, building na talaga yon, mga 5-storey. So, sana makaipon ulit.”

Isa din sa kanyang naipundar ay ang food business niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“May plano na ako this year na sana antabayanan nila. Ngayon meron din akong lugawan sa UST, pero I want more pa, eh, gusto ko pang i-explore,” dagdag pa ni McCOy.

Payo din ni McCoy sa kapwa niya kabataang artista na pag-ipunan ang gustong investment at hindi lang sa luho dapat mapunta ang kanilang kita.

"Hangga’t maaari property or business yung pag-ipunan nila. Kasi itong showbiz, hindi naman ito forever or permanente. Dapat meron tayong fall back if ever na humina yung career natin,” pagbabahagi ng aktor.

Si MacCoy ay unang nakilala bilang miyembro ng grupong Hashtags ng noontime show na It's Showtime. Naging bahagi din siya ng isang edisyon ng Pinoy Big Brother na naging daan para mas makilala siya at maipareha sa aktres na si Elisse Joson.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel