Boobay, pinayuhan rin niya umano si Tekla na ipagtanggol ang sarili kay Donita

Boobay, pinayuhan rin niya umano si Tekla na ipagtanggol ang sarili kay Donita

- Aminado ang isa pang ka-tandem ni Super Tekla na si Boobay na naawa umano siya kay Tekla

- Sa katunayan ay pinayuhan umano niya ito na ipagtanggol naman ang sarili niya kay Donita Nose

- Dagdag pa ni Boobay, sana ay huwag lang puro katamaran ang pansinin kay Tekla at sana ay bigyan din ng importansiya ang ambag nito sa kanilang samahan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Magkasama sina Tekla at Boobay sa comedy talk show na The Boobay and Tekla Show na napapanood sa GMA-7

Sa ginanap na story conference ng “Take Me To Banaue,” diretsahang sinabi ni Boobay na nakaramdam siya ng awa para kay Super Tekla sa gitna ng pinagdadaanan nito matapos mabuwag ang DonEkla in Tandem. Siya umano mismo ang nagpayo kay Tekla na ipagtanggol na nito ang sarili niya.

Boobay, pinayuhan rin niya umano si Tekla na ipagtanggol ang sarili kay Donita
Donita Nose (@donitanose)
Source: Instagram

Matatandaang isa sa naging dahilan ng tuluyang paghihiwalay ng tirahan ng magkaibigang Tekla at Donita ay dahil umano sa katamaran ni Tekla. Para naman kay Boobay, hindi umano dapat puro iyon lang ang tinganan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dapat umano ay isispin din ang naging ambag ni Tekla sa kanilang tambalan.

“Siguro, bigyan din ng ano… may black and white tayo, di ba? Sana, kahit papa’no, nabigyan din ng importansiya ang ambag dun ni Tekla sa samahan nilang dalawa (ni Donita). Hindi lang yung pagiging tamad niya, ganyan.”

Gayunpaman, ayon kay Boobay, mas magkakilala sina Donita at Tekla dahil nagkasama sila sa iisang bahay.

“Ang makakakilala sa kanila… sila, nagsama sa isang bahay, so sila ang alam kung ano talaga yung ano,”

Magkasama sina Tekla at Boobay sa comedy talk show na The Boobay and Tekla Show na napapanood sa GMA-7

Ang Tambalang DoNekla ay unang sumikat sa Wowowin. Kinuhang host ni Willie Revillame si Super Tekla sa rekomendasyon na rin ng kanyang kaibigan at kasama sa comedy bar na si Donita.

Si Donita Nose ay nakilala sa kanyang pagiging bahagi ng TV Show ni Willie Revillame. Kinalaunan ay sumikat ang tambalan nila ni Super Tekla at nakilala sa bansag na DonEkla.

Binansagan siyang Pambansang Beshy matapos ang pinakita niyang suporta kay Super Tekla nang minsang madawit ito sa matinding kontrobersiya kaugnay sa reklamo ng dati nitong kinakasama.

Kamakailan ay isa si Donita sa tumulong upang mapabinyagan ang anak ni Tekla sa dating kinakasama nitong si Michelle Banaag.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel