Mama Loi, kinumusta si Karla Estrada; "Kayo ha, kung ano-ano pinaparinig niyo sa'min"

Mama Loi, kinumusta si Karla Estrada; "Kayo ha, kung ano-ano pinaparinig niyo sa'min"

- Pabirong kinastigo ni Karla Estrada ang Entertainment host at reporter na si Mama Loi

- Naikwento ito ni Mama Loi sa pinakabago nilang Showbiz Update sa YouTube channel din ni Ogie Diaz

- Matatandaang nagkita sila mula sa magkaibang event sa pangangampanya ng kani-kanilang sinusuportahang mga kandidato

- Napag-usapan din nila sa Showbiz Update ang pagpalit umano ni regine Velasquez kay Karla sa Magandang Buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naikwento ni Mama Loi sa pinakabago nilang Showbiz Update ni Ogie Diaz at Tita Jegs ang tungkol sa naging komento ni Karla Estrada nang makita at kumustahin niya ito.

Karla Estrada nang kumustahin ni Mama Loi; "Kayo ha, kung ano-ano pinaparinig niyo sa'min"
Karla Estrada nang kumustahin ni Mama Loi; "Kayo ha, kung ano-ano pinaparinig niyo sa'min" (Karla Estrada)
Source: Facebook

Sa pinakabagong Showbiz Update sa YouTube channel ni Ogie Diaz ngayong Marso 2, idinetalye ni Mama Loi ang pagkikita nila ni Mamshie Karla Estrada mula sa magkaibang event ng kani-kanilang sinusuportahang mga kandidato. Nagkataong nagkita-kita sila sa airport ng Iloilo.

"Sabi ko sa kanya, 'Hi Mamshie! kumusta ka na? Sabi niya eto, ok lang. Kayo ha kung ano-ano pinaririnig niyo sa amin ah! Sabi niyang ganun," kwento ni Mama Loi sa nabanggit ng dating magandang Buhay host.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sagot naman ni Mama Loi, "Ha? ha? ha? Hindi po ako 'yun ah?"

Napag-usapan din nila ang pagbalik umano ni Karla sa morning show nito na kasalukuyan na ngayong si Regine Velasquez ang kasama nina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.

"Pero feeling ko ha, pagkatapos ng eleksyon, babalik si Karla," ani Ogie Diaz na ang malaking katanungan na lamang ay paano kung nagustuhan na ni Regine ang programa gayundin ng mga advertisers ng programa.

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Mama Loi ay isang entertainment host and reporter na kasama ni Ogie Diaz at Tita Jegs sa kanilang YouTube channel na 'Ogie Diaz Showbiz Update.'

May sarili na rin siyang YouTube channel at nakapag-interview na rin siya ng iba't ibang mga kilalang personalidad sa bansa.

Kamakailan, kasama si Mama Loi at grupo nila ni Ogie Diaz sa grand rally ng supporters ni presidential candidate Leni Robredo sa Iloilo.

Matatandaang nag-trending ang pagho-host nila nina Ogie D doon dahil sa umano'y wala silang milyon-milyong talent fee sa pagsuporta sa kanilang kandidato.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel