Ogie Diaz, nag-trending ang pag-host ng campaign rally ng Leni-Kiko sa Iloilo
- Mabilis na nag-trending si Ogie Diaz na isa sa mga host ng Leni-Kiko tandem campaign rally sa Iloilo
- Nagkalat ang video clips ni Ogie D kasama ang kanyang mga co-host habang binibuhay lalo ang kanilang mga 'Kakampink' sa nasabing pagtitipon
- Isa na rito ay ang pagtatanong niya kung may hakot bang tao sa lugar na sa palagay daw niya'y wala dahil walang dump trucks sa labas ng venue
- Aniya, hindi rin umano bawal ang drone sa Iloilo at kahit saan pa mapadako ang mga drone ay nilarawan niyang hindi mahulugan ng karayom ang lugar sa dami ng tao
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Usap-usapan ngayon ang pagho-host ni Ogie Diaz sa campaign rally ng grupo ni presidential candidate Leni Robredo at ka-tandem nito sa pagka-bise presidente na si Kiko Pangilinan sa Ilolo nitong Biyernes, Pebrero 25.
Nalaman ng KAMI na nagkalat ang video clips ng mga nasabi ni Ogie Diaz na lalong bumuhay sa kanilang mga 'Kakampink' sa Iloilo.
Kasama ni Ogie sina Lara Quigaman at Gaby Padilla na natatawa na lamang sa mga naibagsak ng kilalang entertainment reporter.
"Wala namang hinakot dito? Oo nga, alam ko 'yan dahil walang mga dump trucks diyan sa labas"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"Kaya nandito ho kami ngayon, wala ho kaming bayad. Pinakain lang kami, Binigyan lang kami ng ganito (baller) ng t-shirt at siyempre, yung kasiyahan at kaligayahan ng puso namin na mapaglingkuran, at mapakita kay VP Leni Robredo na kaisa niya kami sa lahat ng kanyang naisin"
"Nakakatuwa! Alam mo dito sa Iloilo City hindi bawal ang drone. 'Di ba? May drone tayo diyan. Hindi bawal ang drone. Dahil kahit saan pumunta ang drone, Diyos ko po. Hindi mahulugang karayom ang mga tao. Ganito kainit ang pagtanggap ng Iloilo kay Presidente Leni Robredo. Nakakaloka!"
Tinatayang mahigit 25,000 na katao ang umano'y nakadalo sa campaign rally ng Leni-Kiko tandem. Una na rin silang pumunta sa Cebu bago ang kanilang kampanya sa Iloilo.
Bukod sa ilan pang mga kilalang artista na boluntaryong sumusuporta sa kampanya ni VP Leni, lalong nagbigay kasiyahan sa nasabing pagtitipon ang pagtatanghal ni Ely Buendia na kilalang supporter ni Robredo.
Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter.
Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad.
Source: KAMI.com.gh