Megan Young, saksi lamang sa mga break-ups na nangyayari sa beauty pageant

Megan Young, saksi lamang sa mga break-ups na nangyayari sa beauty pageant

- Naibahagi ni Megan Young na isa lamang siyang saksi sa mga break-ups ng kapwa niya kandidata noon ng Miss World

- Nagugulat na lamang siya sa dami umano ng mga nakikiya niyang umiiyak backstage dahil nakipaghiwalay na pala sa kasintahan

- Habang siya na noo'y boyfriend na ang ngayo'y mister na niyang si Mikael Daez ay ka-text pa niya at nag-iisip ng paraan para dumami ang votes ng netizens sa kanya

- Isa si Megan sa mga beauty queens na naging matatag pa rin ang relasyon matapos na magkaroon ng title at masungkit ang korona

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Binalikan ni Megan Young ang ilang mga kaganapan sa paglaban niya para sa Miss World 2013.

Nalaman ng KAMI na isa sa mga naitanong sa kanya ni Toni Gonzaga ay kung paano nila napagtagumpayan ng noo'y boyfriend pa lamang niyang si Mikael Daez ang relasyon lalo na at madalas na maganap ang hiwalayan sa mga magkaka-relasyon tuwing nasasalang na ang babae sa mga prestihiyosong beauty pageant.

Read also

Alex Gonzaga, dedma na lang sa nababasang negative comments: "Kaya!"

Megan Young, saksi lamang sa mga break-ups na nangyayari sa beauty pageant
Megan Young ( Toni Gonzaga Studio)
Source: Facebook

"Couple of days during the finals ng Miss World, ang daming umiiyak sa backstage. Sabi ko, 'o what happened to you? Ta's sabi niya, my boyfriend just broke up with me, or like my boyfriend and I are rocky... Ang daming gano'n," pagbabalik-tanaw ni Megan.

"Well ako, sabi ko enjoy lang ako dito tapos si Fofo ka-text ko, sabi niya 'Bones ano ah, magcascade ka kung sino pwedeng bumoto sa'yo, nag-strategize pa rin kami," natatawang pagbabahagi ni Megan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Mikael pa raw ang nag-udyok sa kanya na gamitin na umano ang pagiging celebrity niya sa Pilipinas para makahakot ng votes sa panahong hindi pa masyadong marami ang gumagamit ng iba't ibang social media platforms.

Kaya naman masasabing isa sila sa mga couples na napagtagumpayan ang tila isa nang sumpa sa mga beauty queens na may mga karelasyon na nauuwi sa hiwalayan dahil sa pageant. Katunayan, kasal na sina Megan at Mikael noong Enero ng 202.

Read also

Alex Gonzaga sa umano'y mga pamba-bash sa kapatid na si Toni; "Matapang talaga ate ko"

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanila ni Toni Gonzaga:

Si Celestine Cruz Gonzaga-Soriano, o mas kilala bilang si Toni Gonzaga, ay isang kilalang Filipina singer, television host, actress, producer at entrepreneur. Siya ang panganay na kapatid ng isa rin sa kilalang aktres, TV host at vlogger na si Alex Gonzaga.

Isa rin siya sa mga kilalang YouTube content creator kung saan na-interview niya ang ilang mga kilalang personalidad sa bansa.

Samantala, si Mikael Daez ay isang aktor, host at modelo habang ang kanyang misis na si Megan Young ang pambato ng bansa sa Miss World 2013 kung saan naiuwi niya ang titulo at korona. Mapapanood din sila sa kanilang YouTube channel.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel