Performance ni Toni Gonzaga sa campaign rally ng UniTeam ni BBM, viral

Performance ni Toni Gonzaga sa campaign rally ng UniTeam ni BBM, viral

- Viral ngayong ang performance ni Toni Gonzaga sa mga campaign rally ng UniTeam ni presidential candidate Bongbong Marcos

- Sa kanyang mga performances kinakanta niya ang 'Roar' ni Katy Perry

- Sa chorus ng awitin napansin pa ng netizens ang pagturo niya kay Marcos kung saan ipinakilala niyang 'Tigre ng Norte'

- Matatandaang si Toni Gonzaga rin ang nag-host ng proclamation rally ng UniTeam noong Pebrero 8 na ginanap sa Philippine Arena

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Viral ngayon ang mga performance ni Toni Gonzaga na kasama sa mga campaign rally ng UniTeam ni Presidential candidate Bongbong Marcos.

Nalaman ng KAMI na maging sa pangangampanya ng UniTeam sa Ilocos Norte na sinasabing balwarte ng mga Marcos, kasama si Toni.

Video ng performance ni Toni Gonzaga sa campaign rally ng UniTeam ni BBM, viral
Video ng performance ni Toni Gonzaga sa campaign rally ng UniTeam ni BBM, viral (Photo from Jayson Eleazar TV/JETV)
Source: UGC

Kinanta niya ang 'Roar' ni Katy Perry kung saan napansin umano ng netizens ang pagturo niya kay Marcos sa bandang chorus ng kanta.

Read also

VP Leni Robredo, ibinahagi ang lumang video clip ng mister; "My most important endorsement"

Matapos ito, isa-isa niyang ipinakilalala ang mga senador ng UniTeam. Gayundin ang tumatakbong bise presidente ng kanilang grupo na si Mayor Sara Duterte na ipinakilala niya bilang 'Agila ng Davao.'

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

At nang ipakilala naman niya ang presidential aspirant na si dating senador Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr., tinawag niya itong 'Tigre ng Norte'.

Matatandaang si Toni ang host ng presidential rally ng UniTeam na ginanap noong Pebrero 8 sa Philippine Arena.

Narito ang kabuuan ng video na mula sa YouTube channel ni Jayson Eleazar TV (JETV):

Si Celestine Cruz Gonzaga-Soriano, o mas kilala bilang si Toni Gonzaga, ay isang kilalang Filipina singer, television host, actress, producer at entrepreneur. Siya ang panganay na kapatid ng isa rin sa kilalang aktres, TV host at vlogger na si Alex Gonzaga.

Read also

Alex Gonzaga sa umano'y mga pamba-bash sa kapatid na si Toni; "Matapang talaga ate ko"

Isa rin siya sa mga kilalang YouTube content creator kung saan na-interview niya ang ilang mga kilalang personalidad sa bansa kabilang na ang ilan sa mga matutunog na presidentiables para sa darating na eleksyon na sina Mayor Isko Moreno, Senator Manny Pacquiao, Vice President Leni Robredo at si Bongbong Marcos na kanya umanong sinusuportahan.

Kamakailan ay pinasalamatan niya lahat ng kanyang mga supporters gayung umabot na sa 7 million ang Instagram followers niya habang pumalo na sa limang milyon ang YouTube subscribers niya.

Kasunod nito ay ang pag-anunsyo ni Toni ang kanyang paglisan bilang main host ng Pinoy Big Brother na naging programa niya sa loob ng 16 na taon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel