Toni Gonzaga, agree kay Daddy Bonoy na si 'Marites' ang nagpapawala ng galit ni Mommy Pinty

Toni Gonzaga, agree kay Daddy Bonoy na si 'Marites' ang nagpapawala ng galit ni Mommy Pinty

- Sinang-ayunan ni Toni Gonzaga ang kanyang Daddy Bonoy nang sabihin nitong si 'Marites' ang nagpapawala ng galit ni Mommy Pinty

- 'Just say sorry' ang isinagot ni Mommy Pinty habang 'Pag dumating si Maritess' ang isinagot ni Daddy Bonoy

- Bahagi ito ng 'How Well Do You Remember' challenge sa kanila ni Toni

- Samantala, mapapansing marami pa rin silang naalala tungkol sa isa't isa sa kabila ng kanilang 44 years na pagsasama

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isang masayang challenge ang ipinagawa ni Toni Gonzaga sa kanyang mga magulang na sina Bonoy at Pinty na tinawag niyang 'How Well Do You Remember'.

Nalaman ng KAMI na bahagi ito ng Valentine's Day celebration sa channel ni Toni.

Toni Gonzaga, agree kay Daddy Bonoy na si 'Marites' ang nagpapawala ng galit ni Mommy Pinty
Photo: Toni Gonzaga
Source: UGC

Sa halip na 'how well do you know your partner' challenge, tinawag niya itong how well do you remember' gayung 'seniors' na raw ang kanyang mga magulang at 38 taon na itong kasal. Idagdag pa ang anim na taon na pagiging magkasintahan kaya naman 44 years na ang masaya umanong pagsasama nina Mommy Pinty at Daddy Bonoy.

Read also

Judy Ann at Ryan, napaisip kung sino nga ba sa kanila ang unang nagsabi ng 'I love you'

Maging si Toni ay natutuwa na habang dumarami ang kanyang naitataong, madalas makuha nilang dalawa ang parehong sagot.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

At nang tanungin ni Toni kung ano ang nakakapagpawala ng galit ng kanyang mommy, doon naiba ang sagot ng dalawa.

'Just say sorry' ang sagot ni Mommy Pinty habang "Kapag dumating si Maritess" ang sagot ni Dady Bonoy.

"Sinong Marites? 'Yung mahilig sa latest! Ginawa pa akong chismosa nito ah. Sinong Marites? Wala akong naging bisitang Marites," ani Mommy Pinty habang tawa ng tawa naman na sina Toni at Daddy Bonoy.

Sinang-ayunan naman ni Toni ang kanyang daddy dahil totoo na kapag mainit ang ulo ng kanyang ina, sasabihan lamang daw niya ito o ni Alex ng "Mommy alam mo ba si ano..." tila kumakalma na raw ito.

Read also

Jam Magno sa controversial post ni Darryl Yap: "I think he's my new best friend"

Narito ang kabuuan ng video mula sa Toni Gonzaga Studios:

Si Celestine Cruz Gonzaga-Soriano, o mas kilala bilang si Toni Gonzaga, ay isang kilalang Filipina singer, television host, actress, producer, YouTube content creator, at entrepreneur. Siya ang panganay na kapatid ng isa rin sa kilalang aktres, TV host at vlogger na si Alex Gonzaga.

Kamakailan ay inanunsyo ni Toni ang kanyang paglisan bilang main host ng Pinoy Big Brother na naging programa niya sa loob ng 16 na taon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel