Jam Magno, sinabing 'one of the best things' ang desisyong paglisan ni Toni Gonzaga sa PBB
- Nagbigay ng saloobin ang online personality na si Jam Magno kaugnay sa mga kontrobersiyang kinakaharap ngayon ni Toni Gonzaga
- Matatandaang umani ng iba't ibang reaksyon ang umano'y pagigiging host ni Toni sa procalamation rally ng Uniteam kamakailan
- Sinundan pa ito ng kanyang pag-step down bilang main host ng Pinoy Big brother ng ABS-CBN
- Nabanggit ni Jam na ang paglisan ni Toni sa PBB ang maating 'one of the best things' na mangyayari sa TV host na maari umanong maging susunod na spokesperson ng Pilipinas
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Isa ang online personality na si Jam Magno sa mga nagtanggol kay Toni Gonzaga sa mga umano'y bumabatikos sa kanya kamakailan.
Nalaman ng KAMI na maaanghang ang mga naging patutsada ni Jam sa mga kapwa celebrity ni Toni na umano'y nadismaya lalo na sa desisyon ng TV host na lisanin na ang programang Pinoy Big Brother na naging tahanan niya sa loob ng 16 na taon.
Subalit para kay Jam, nilarawan niyo ang pag-step down ni Toni sa pagiging host ng PBB na 'one of the best things' na nangyari sa kanya.
"Leaving PBB might be one of the best things that will ever happen for Toni G. You know why? Because what if she's the next spokesperson of the Philippines?"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"Can you imagine her beautifully contoured face, svelte body and all that, every single day speaking in behalf of our president?" ang ilan sa mga naging pahayag ni Jam patungkol sa isyung kinakaharap ngayon ni Toni G.
Si Jam Magno ay nakilala sa kanyang TikTok videos kung saan kadalasan ay pinagtatanggol niya ang kasalukuyang pamahalaan laban sa mga kritiko.
Kamakailan ay naglabas din ng saloobin si Jam sa pagsuporta naman niya kay senatorial candidate na si Robin Padilla. Aniya, kinakitaan niya ng kasipagan si Robin sa pagtulong kamakailan na isinakripisyo ang Pasko at Bagong Taon noong nakaraang taon para lang tuloy-tuloy ang pagtulong sa nasalanta ng Bagyong Odette.
Suportado rin daw niya ang pagnanais ni Robin na magkaroon ng kapayapaan sa Mindanao at si Robin ang magiging boses ng mga kapatid na Muslim sa senado.
Source: KAMI.com.gh