Pag-akyat ni Vice Ganda sa hagdanan sa labas ng studio, umani ng mga reaksiyon

Pag-akyat ni Vice Ganda sa hagdanan sa labas ng studio, umani ng mga reaksiyon

- Sa isang segment ng It's Showtime, nakikipag-usap sa contestant si Vice Ganda nang sabihin ng naturang contestant na hindi siya komportableng magkwento ng ilang mga bagay

- Gayunpaman noong tinatanong umano nila ang naturang contestant kung ano ang dapat nilang pag-usapan sinabi nitong ang mga host na ang bahala

- Dahil dito ay pabirong pinakita ni Vice Ganda na nairita siya hanggang sa dinala siya sa labas ng co-host na si Vhong Navarro

- Nang makita nito ang hagdanan sa labas ng studio, umakyat si Vice Ganda doon at may mga viewers na kinabahan para sa TV host

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bilang kilalang mahilig makipagbiruan at magbiro sa mga kasamahan sa It's Showtime, may ilang viewers na tawang-tawa sa pag-akyat ni Vice Ganda sa hagdanan sa labas ng studio. Ito ay matapos niyang makausap ang isang contestant sa beauty contest ng naturang show.

Read also

Babaeng nagwala sa laundry shop, pina-Tulfo ng staff na kanyang nasigawan

Pag-akyat ni Vice Ganda sa hagdanan sa labas ng studio, umani ng mga reaksiyon
Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Sinabi ng naturang contestant na hindi siya komportableng magkwento ng ilang mga bagay. Gayunpaman noong tinatanong umano nila ang siya kung ano ang dapat nilang pag-usapan sinabi nitong ang mga host na ang bahala.

Dahil dito ay pabirong pinakita ni Vice Ganda na nairita siya hanggang sa dinala siya sa labas ng co-host na si Vhong Navarro.

May mga naaliw sa ginawang ito ni Vice at meron ding kinabahan para sa kaligtasan niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Saan ka makakakita na habang live ganto mga pinag-gagagawa? Sa It's Showtime lang syempre! That's why i love It's Showtime kase harutan lang nila sobrang saya ko na.
Meme Vvice wag muna uulitin pag akyat dya ha tinakot mo kmi knina jusko po ang dami kn napanuod na bardagulan nyu ni vhong dyan ka lng iniwan ni vhong hindi sumunod umakyat sayo. haha!

Read also

Megan Young, saksi lamang sa mga break-ups na nangyayari sa beauty pageant

Hahaha meme sakalam

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime.

Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Matatandaang muling naging kontrobersiyal si Vice Ganda at karelasyon nitong si Ion Perez kamakailan matapos madawit ang mga ito sa patutsada ni Buknoy Glamurrr at kaibigan nitong si Gabo laban kay Awra Briguela.

Maging ang kanyang vlog kung saan pinakita niya ang ilan sa pinakapaborito niyang sapatos sa kanyang shoe collection ay lumikha ng ingay sa mga netizens.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel